^

PSN Opinyon

Gapangan para sa PNP chief, mahigpitan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAHIGPIT ang gapangan sa ngayon para sa puwestong lilisanin ni PNP chief Gen. Junaz Azurin. Magreretiro na si Azurin sa Abril 24 subalit hanggang kahapon wala pang malinaw kung sino ang napupusuan ng Palasyo na papalit sa kanya, dahil ayon sa mga kosa ko, “maraming opisyales ng gobyerno ang nakikialam.” Hak hak hak! Ano pa ba ang bago r’yan?

Noong panahon ni Tatay Digong, si ex-Interior Sec. Eduardo Año ay nagsusumite ng pangalan ng senior officers­ ng PNP kung saan pagpilian ang bagong PNP chief. Siyempre, my say din diyan si dating Special Assistant to the Pre­sident (SAP) at ngayon ay Sen. Bong Go, di ba mga kosa?

Subalit sa panahon ni President Bongbong Marcos, hindi­ lang basbas ni Interior Sec. Benhur Abalos ang kailangang makamtan ng kandidato kundi maging ang green light nina SAP Anton Lagdameo, Executive Sec. Lucas Bersamin at higit sa lahat ang kay Ka Popong Felix, ng OPAPA, na direkta kay BBM. Eh di wow! Hehehe! Kapag wala kang linya sa apat, goodbye na lang sa tsansa ng isang kandidato. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang labanan sa ngayon, ayon sa mga kosa ko, ay sa pagitan nina Lt. Gen. Jonnel Estomo, ang Deputy Chief for Operation (DCO) ng PNP at Maj. Gen. Benjamin Acorda, ang hepe ng Directorate for Intelligence (DI). Ang napuna ng mga kosa ko, kapag si Abalos ay uma-attend ng meeting nitong nagdaang mga araw, bitbit niya si Estomo at hindi si Azurin. Eh di wow! Hehehe! Matagal ko nang napapansin ‘yan eh. Si Acorda naman ay kung anu-anong black propaganda na ang ibinabato sa kanya subalit pilit na isinusulong siya ng Ilocano block sa Palasyo. Malamya raw si Acorda? Dipugaaaaa!

Pero kung itong classmates ni Azurin sa PMA Class ‘89 ang tatanungin, abayyyyy nais nilang ang mapiling papalit bilang PNP chief ay si Lt. Gen. Rhodel Sermonia­, ang No. 2-man ng PNP. Magaling din naman sa field operations si Sermonia, di ba PRO6 director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco Sir? Ang masasabi namang darkhorse sa labanan ay ang Ilocano rin na si Brig. Gen. Ronald Lee, na dating hepe ng CIDG. Minalas si Lee dahil sa role niyang landslide victory ni BBM sa Cordillera Region ng nakaraang election kaya nagpapalamig na siya bilang deputy ng kapwa niya Ilocano na si Acorda. Di ba ES Bersamin Sir? Hehehe! Sinu-sino sa kanila ang may linya sa apat na “siga” na opisyal ng gobyerno, mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang napuna lang ng mga kosa ko ay hindi nag-effort si PRO4A director Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Alam naman ng lahat na si Nartatez ay puwedeng pasipul-sipol muna sa ngayon dahil may apat na taon pa siya sa serbisyo. Subalit sinisiguro ng mga kosa ko na magiging chief PNP si Nartatez bago magretiro sa 2027. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with