^

PSN Opinyon

CIDG, humaharabas kontra NPA at kriminal!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sipag at tiyaga ang puhunan ng mga bataan ni CIDG director Brig. Gen. Romeo Caramat para maaresto ang tatlong lider ng CPP/NPA sa General Santos City. Talagang lupaypay na itong mga kapatid nating komunista kasi ma­tapos pumanaw si CPP founder Jose Ma. Sison, abayyyyy kung hindi nagsisukuan, nahuhuli ang kanilang miyembro at mga lider pa.

Sa tulong ng isang informant, nasakote ng mga bataan ni Caramat sina Ruben Abenir Saluta, Presentacion Cordon Saluta, at Yvonne Losaria alyas Travis, Iñigo at Kaber” sa kanilang lungga sa Phase 5, Doña Soledad Subd., Bgy, Labangal noong Enero 29. Eh di wow! Sinabi ni Caramat na halos tatlong buwan ding tinarabaho ng kanyang mga tauhan itong tatlo at natuwa siya na naging positibo naman ito.

“The CIDG will continue to uphold its uncompromising position against Communist Terrorist Groups, especially in rural areas where the majority of populations are prone to their nefarious activities. The CIDG must also stay true to its duty to look into and prosecute horrific crimes,” ani Caramat. Dipugaaaaa!

Ayon kay Caramat, si Ruben ay dating NFC Secretary ng Panay Regional Party Committee at NDF consultant, si Presentacion ay lider ng Komiteng Rehiyonal Panay, samantalang si Losaria ay head ng Sentro-De-Gravidad, Guerilla Front 35, Southern Mindanao Regional Committee. Si Ruben ay wanted sa six counts of murder charges at tatlong frustrated murder, samantalang sina Losaria at Presentacion ay may kasong rebellion.

Sinabi ni Caramat na ang tatlo ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Danilo Bello, ng Antique RTC. Nakumpiska sa kanila ang tatlong M16 Armalite Rifles, isang M14 rifle, carbone, assorted na bala, isang gra­nada, ilang celfones at chargers, laptop computer at subversive documents. Tsk tsk tsk! Kung hindi pala na gulpe de gulat ang tatlo at lumaban, abayyyyy may semplang ang mga elemento ng CIDG Regional Field Unit sa General Santos ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Inaalam pa ng CIDG kung bakit sa General Santos City nag-ooperate ang dalawang Saluta eh sa Western Visayas sila nag-ooperate dati. Nagtatago sila sa mga kaso nila? Mismooooo! Sa panahon ng hi-tech gadgets, hindi nalalayo na marami pang lider ng CPP/NPA ang mahuhuli ng AFP sa hinaharap. Tiyak ‘yun!

Ang tatlong rebel leaders ay kasalukuyang nakadetine sa CIDG RFU 12 para sa documentation at iba pang proseso, bago sila ilipat sa sala ni Judge Bello, hehehe! Humarabas talaga ang CIDG sa liderato ni Caramat kontra terorista at kriminal. Ang tropa kaya ni alyas Don Al Capone manghaharabas din sa tabakuhan? Ano sa tingin mo Ka Bote? Abangan!

vuukle comment

CIDG

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with