^

PSN Opinyon

Big fight

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Dehins pa pala tapos ang kaso ni Manny Pacquiao at Paradigm Sports, ang promotional outfit na may hawak din kay Conor McGregor.

In fact, may trial sa March 3 sa Amerika.

Mahabang kwento na nagsimula after pumirma si Pacquiao ng kontrata sa Paradigm noong 2020 sa kagustuhan nito na maikasa ang laban kay McGregor.

Dehins ito nangyari. Instead, laban kay Mikey Garcia and inilatag ng Paradigm kay Pacquiao na may halagang $25 million.

Hindi rin ito natuloy dahil laban kay Errol Spence na hawak naman ng ibang promoter ang pinirmahan ni Pacquiao. Dahil sa injury, umatras si Spence, at si Yordenis Ugas ang nakalaban ni Pacquiao.

Dun natalo si Pacquiao at nag-announce ng retirement para tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

Yan ang siste.

Kaya nag-hahabol ang Paradigm na nag-file ng kaso noong 2021. Nagbigay raw sila ng advance kay Pacquiao para sa Spence fight na $2 million.

Gusto itong bawiin ng Paradigm. Bukod diyan, humihingi ito ng $20 million in damages o kawalan kung may breach of contract nga si Pacquiao.

‘ Yan ang didinigin ng korte sa California sa March 3.

Madiin na sinabi ng Paradigm na kung manalo sila sa kaso, sisiguraduhin nila na hindi na makakalaban si Pacquiao muli sa America.

Nag-issue rin ito ng warning sa ibang promoters kahit saan pang bansa na huwag muna sumawsaw sa gulo at baka madamay pa sila.

Kaya ito ang abangan natin sa darating na Marso.

Big fight para kay Pacquiao.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with