^

PSN Opinyon

Kadiwa, forever na!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SINIGURO ni Presidente Bongbong Marcos na ang programang Kadiwa ng Pasko ay tuluy-tuloy nang ipatutupad­ upang ang mga mamamayan ay makabili ng mga pangu­nahing kailangan sa abot-kayang halaga. Napapanahong palatuntunan ito sa harap ng hindi maawat na pagtaas sa halaga ng mga bilihin.

Mantakin n’yong nagawa ito ng presidente sa loob lang ng kalahating taon ng kanyang pamumuno sa bansa. Sa kabila ng mga tuligsa ng ilang kaalit ng presidente sa pulitika, para sa akin, dapat nating bigyan ng mataas na kredito si Marcos Jr. sa nagawa niyang ito.

Sa isang okasyon sa Quezon City, abot-langit ang papuri ng presidente kay Mayor Joy Belmonte na siyang unang nagpasimula ng Kadiwa na ngayon ay ibig nang tularan ng iba pang local government units (LGUs). Magka­iba man ang political affiliation nina Marcos Jr. at Mayor Joy, makikita rito ang spirit of unity. Wika nga, sana  all! “Dahil inumpisahan ito ni Mayor Joy, ito ay ibig nang tularan ng mga ibang LGUs kaya gagawin na natin itong pambansang programa,” anang presidente.

Kapag naging “forever” ang Kadiwa, ito ay magiging medalya ni Marcos Jr. sapagkat ang nangungunang tungkulin ng isang leader ay tiyaking maginhawa ang buhay ng mga mamamayan. Sa mga Kadiwa outlets, makabibili ng bigas sa halagang P25 kada kilo at asukal na P70 bawat kilo.

Pati presyo ng karne ng baka, baboy, manok at isda ay higit ding mas mababa ang presyo kaysa mabibili sa mga ordinaryong pamilihan. Sa ngayon, kakaunti pa ang mga Kadiwa outlets ngunit umaasa ako na ito ay madaragdagan­ pa sa darating na mga araw.

Dapat ding purihin ang presidente sa mga high rise condo units sa Deparo, Caloocan City na nakalaan sa mahihirap na residente na ngayon ay nasa finishing stage na. Suportahan pa natin si Marcos Jr. Sa lahat ng mga maga­ganda niyang adhikain sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with