^

PSN Opinyon

Davao boys, may bagyong padrino!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi dapat isantabi ang tinatawag na Davao Boys sa Philippine National Police (PNP) dahil lumakas pa ang padrino... este ang tsansa nila. Ang tinutukoy ko mga kosa ay sina Maj. Gen. Michael John Dubria at Maj. Gen. Fil­more Escobal. Sina Dubria at Escobal ay masasabi kong fair-haired boys ni Tatay Digong dahil mga magagandang puwesto sa PNP ang nakukuha nila. Subalit nang maupo si President Bongbong Marcos, ang unang tina­maan ng lintek...este ng “disturbing” reshuffle ni PNP chief Gen. Junaz Azurin ay mga Davao Boys kaya ang sen­ten­siya sa kanila ng Camp Crame ay goodbye na lang sila at papalitan na ng Ilokano Boys.

Kaya lang, mukhang na wow mali ang mga kosa ko dahil nakaahon sa kangkungan ang Davao Boys at sina Dubria at Escobal ang magandang basehan. Bakit? Kasi si Dubria mula sa chief ng Directorate for Intelligence ay bumagsak sa Civil Security Group. Medyo mahinahon lang ang bagsak niya sa “disturbing” reshuffle, di ba Ka Popong Sir? Si Dubria ay na-promote bilang Chief Directorial Staff o No. 4-man na ng PNP na isang 3-star position. Araguuyyyyy! Hehehe! May tsansa, di ba mga kosa?

Si Escobal naman ay isang araw na lang at ma-DQ siya dahil lampas dalawang taon na siyang hepe ng PRO11 sa Davao sa panahon ni Tatay Digong. Subalit naka­dam­pot ng magic lamp si Escobal at tinulungan siya nang lumabas na Genie at hayun nalampasan ang delubyong dumating sa buhay niya.

Na-promote si Escobal bilang major general at naging deputy commander ng Area Police Command-Visayas. Sa ngayon si Escobal ay commander ng Area Police Command-Eastern Mindanao na pang-3 Star general din. Hak hak hak! Ang suwerte nga ba naman kapag dumating sa buhay. Walang makakapigil.

Sina Dubria at Escobal ay miyembro ng PMA Class ‘91 at kapag na-promote sila bilang 3-star general, abayyyy nasa consideration na sila sa pagka-PNP chief, di ba ka Popong Sir? Hak hak hak! Mukhang may bagyong padrino sina Dubria at Escobal Dipugaaaaa! Gusto n’yo ng clue mga kosa? Hehehe! Secrettttt!

Ang kumakalat na balita sa ngayon ay ang main target talaga ng “disturbing” reshuffle ay si dating acting PNP chief Lt. Gen. Vicente Danao, na itinapon sa APC Western Mindanao. Dating deputy chief for Operations si Danao o No. 3-man na ng PNP. Para disimulado ang kilos, isinabay lang ang bilas ni Junaz na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia sa tapunan para hindi masyadong halata at hindi makapagreklamo si Danao.

Hayun! Matapos manungkulan ng ilang sandali sa APC Visayas, ibinalik din sa puwesto na Deputy Chief for Adminstration si Sermonia na No. 2 man na at permanente na. At sa ngayon, balik kandidato na naman si Sermonia na papalit sa bilas niya. Eh di wow! Hak hak hak! Gumaganda ang labanan sa PNP chief ‘no mga kosa?

Lahat naman nang umuugong na kandidato ay very qualified kaya ang mangyayari niyan ay palakasan na lang ng padrino. Tumpak! Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with