^

PSN Opinyon

Naghahabol sana  

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito tungkol sa donasyon ng lupa na may sangka­tutak na kondisyones na kasama para kung sakaling bawiin.

Ang parsela ng lupa na sangkot ay pag-aari ni Artemio­ Santos at may sukat na 32 ektarya pati sakop ng titulo bilang 8340 (TCT No. 8340). Ibinigay ni Artemio ang lupa sa Republika ng Pilipinas na kinakatawan ng DOH (Department of Health). Ang layunin ng donasyon ay para magpatayo ang gobyerno ng isang mental hospital na ang magiging pangalan ay Don Artemio Santos Memorial Mental Hospital para habang buhay na maging alaala ng lalaki. Agad na ipinagawa ang ospital at natapos sa loob ng dalawang taon mula nang mapirmahan ang donasyon. Kasama sa kondisyon ng donasyon na mana­natili ang titulo sa pangalan ni Artemio hanggang hindi pa nasusunod ang lahat ng kondisyones o kaya ay kung lumabag ang gobyerno sa kasunduan ay awtomatikong mapapawalang-bisa ang kontrata mula sa umpisa.

Lumipas ang 40 taon mula ginawa ang kasulatan at noong patay na si Artemio ay nagsampa ng reklamo ang kanyang mga naulila (estate) sa pamamagitan ng attorney-in-fact na si Verzosa para bawiin mula sa gobyerno ang lupa at tuloy kamkamin ang mga naitayong istruk­tura doon. Pinayagan daw kasi na itayo roon ang bahayan at mga negosyo pati 5 ektarya lang ang totoong pinagtayuan ng ospital. Ang natirang 27 ektarya ay tinirhan, ginawang lugar ng negosyo o kaya naman ay tinirikan ng mga squatter.

Sa sagot ng Republika ay pinalusot nito na walang kapangyarihan ang RTC para hawakan ang reklamo dahil­ walang legal na kapasidad ang isang estate at hindi puwedeng maging isang partido sa kaso. Idagdag pa na paso (prescribed) na ang asunto dahil mahigit na sampung taon na mula nang ginawa ang donasyon bago sila naghabol. Isa pa, ang kondisyon sa kasulatan na hindi puwedeng paupahan, ibigay, idispatsa o kaya ay isangla ang lupa na walang permiso ni Artemio ay abuso na sa karapatan ng may-ari.

Matapos ang paglilitis ay naglabas ng desisyon ang RTC. Kinansela ang donasyon at pinababalik sa mga ka­anak ni Artemio ang 27 ektaryang lupa mula sa 32 ektarya. Ipinag-utos sa gobyerno na gawin ang kaukulang kasulatan na nagbabalik sa lupa dahil hindi raw nito natupad ang mga kondisyones sa loob ng dalawang taon na binigay na palugit.

Ang nasabing desisyon ay binaliktad ng Court of Appeals. Ang kawalan ng kakayahan daw ng gobyerno na gamitin bilang mental hospital ang natitirang 27 ektar­yang lupa ay hindi sapat na dahilan para ipawalang-bisa ang donasyon. Ang kondisyon sa pagbabawal daw ipaupa, ibigay, idispatsa o isangla ang lupa kontra sa layunin na gawin itong isang mental hospital ay walang bisa dahil apektado nito ang karapatan ng gobyerno bilang may-ari ng lupa. Tama ba ang CA?

Tama, ayon sa Supreme Court. Dineklara ng SC na ang kawalan ng kakayahan ng republika na gamitin ang 27 ektaryang lupa ay hindi maituturing na paglabag sa kondisyon na sapat para ipawalang-bisa ang donasyon. Una, nasunod ng gobyerno ang kasunduan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng ospital sa limang ektarya. Kahit sabihin pa na nakasaad sa donasyon na esklusibong gagamitin bilang mental hospital ang lupa ay hindi naman ipinagbawal na itayo ang iba’t ibang klase ng istruktura roon. Basta’t sa ilalim ng kasulatan ay magtatayo ang Republika ng kailangan na istruktura para sa maayos na operasyon ng mental hospital na siya naman nitong nasunod.

Panghuli, ang kondisyon na pinagbabawal sa gobyerno­ ang pagpapaupa, pagdispatsa o pagsangla sa lupa ay illegal at isang kondisyon na imposible ayon sa batas (Art. 727 Civil Code) dahil kontra sa tinatawag na “public policy”. Kaya tama lang na katigan ng SC ang desisyon ng CA (Estate of Susano vs. Republic, G.R. 214590, April 27, 2022).

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with