^

PSN Opinyon

Krimen dahil sa POGOs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Naubos na ang pasensiya ni Justice secretary Jesus­ Crispin Remulla sa mga nangyaring pagpatay at pagkidnap­ sa mga dayuhan na ang pinagmumulan nito ay ang ma­lawak na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Noong nakaraang linggo maraming Chinese ang na-rescue ng PNP sa isinagawang pagsalakay sa Parañaque City.

Sampung Chinese national ang naaresto at pinanini­walaang kasapakat ng sindikato. Kaya naman lalong na­ipursige ni Remulla na ipadeport na ang mga dayuhan na walang mga dokumento na nagtatrabaho sa POGO matapos makausap ang ambassador ng China.

Ayon kay Remulla, 40,000 illegal Chinese ang nasa bansa na ang karamihan ay mga walang working permits. Nasisira ang image ng Pilipinas matapos gawing battle ground ng sindikato ang mga lugar na pinagtayuan ng POGO. Ipinag-utos ni Remulla sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang paghanap sa mga Chinese ne-recruit ng sindikato upang ibalik sa kanilang bansa.

Noong una marami sa mga opisyales ng pamahalaan ang natuwa sa POGOs dahil makaaambag ito ng pera sa kaban ng bayan. Subalit nang tumagal na ito sa ope­rasyon, nabisto na kakarampot lamang pala ang naipapasok na kita nito sa bansa. Matindi rin ang dinulot nito sa bansa dahil sa halip na magagamit sa pagbibigay ng siguridad ang kapulisan ay naitutok tuloy sa pag-rescue at paglutas sa malawakang kinapping at patayan ng mga sindikato.

Kaya malamang sa darating na mga araw tiyak na maipapatapon pabalik na ang mga Chinese na walang mga kaukulang dokumento. Mababawasan na ang human trafficking at kidnapping sa bansa. At para naman sa mga may legal na permiso mula sa PAGCOR tiyak na mabibiyayaan ng trabaho ang mga Pinoy na makapagtrabaho sa POGO.

POGOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with