^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi matapus-tapos na mga paghuhukay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi matapus-tapos na mga paghuhukay

WRONG timing ang mga paghuhukay at pagbubungkal ng kalsada na ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kung kailan tag-ulan o kung kailan panahon ng bagyo, saka sila naghuhukay sa mga kalsada. Hindi ba puwedeng gawin nila ang mga ito kung panahon ng tag-init? Hindi pa puwedeng gawin ang mga ito kung walang pasok ang mga estudyante? Hindi pa maaaring gawin ang pagsasaayos o pagsesemento kung weekend para hindi makasagabal sa daloy ng trapiko. Ang mga paghuhukay at pagsasaayos ng kalsada ang isa sa mga pangunahing dahilan ng trapik ngayon sa mga pangunahing kalsada, parti­kular sa EDSA.

Maraming paghuhukay na isinasagawa ang DPWH at mababanggit dito ang Tandang Sora corner Commonwealth Avenue, na ilang buwan nang ginagawa subalit hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. Nakasaad sa tarpaulin na nakadispley sa cons­truction site na dapat ay noong nakaraang buwan pa natapos ang pagsesemento sa kahabaan ng Tandang Sora subalit hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. Sa umaga, usad pagong ang mga sasakyan sa nasabing kalsada sapagkat butas-butas ang kalsada at mayroong mga drainage na hindi tinakpan o nilagyan man lang ng babala na may malalim na hukay. Sa gabi, wala ring makitang maliwanag na signs para makapag-ingat ang motorista.

Sa Dapitan St., sa Maynila, taon na ang binibilang ng ginagawang paghuhukay at walang palatandaan na matatapos. Inabutan na ng face-to-face classes nang malaking unibersidad ang paghuhukay at tila walang balak na madaliin. Maraming bagyo at pagbaha na ang dumaan at walang pagbabago sa ginagawang mga paghuhukay.

May mga paghuhukay ding ginagawa sa Blumen­tritt at Maceda Sts. sa Maynila na lalong nagpapabigat ng trapik sa lugar. Naghuhukay din sa bahagi ng San Lazaro St. Sta. Cruz.

Marami pang paghuhukay at pagbubungkal ang ginagawa ngayon ng DPWH. Noon pa laging wrong timing ang pagsasagawa ng mga proyekto sa kal­sada. Dagdag sa bigat ng trapik at pasangkrus sa mga motorista ang mga iniiwang hukay na nakatiwangwang.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with