^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hanapin pa mga nagtatago ng asukal

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hanapin pa mga nagtatago ng asukal

Marami pang nagho-hoard ng asukal kaya dapat paigtingin pa ng Bureau of Customs ang pag­hahanap sa mga ito sa buong bansa. Dalawang bo­dega pa lamang ang nasasalakay ng BOC at katiting­ lamang ang mga ito. Pagbutihin ng BOC ang kani­lang pagtunton sa mga bodega ng asukal para ma­pigilan ang masamang balak ng mga negosyante na kumamal ng pera mula sa itinagong asukal. Hindi dapat hayaan ang mga “hayok” na negosyante.

Sinalakay ng mga tauhan ng BOC ang isang bodega sa San Fernando, Pampanga at natagpuan ang 42,733 sako ng imported na asukal mula Thailand. Bukod sa mga asukal sa bodega, natagpuan din ang maraming sako ng asukal na nakakarga sa mga delivery vans. Ang bodega ay pag-aari ni Victor Teng Chua. Nang hanapan ng permit si Chua mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) wala siyang maipakita. Ang nasamsam na asukal ay nagkakahalaga ng P215 milyon.

Sinalakay din ang isang bodega sa Kaypian Road, San Jose del Monte, Bulacan at natagpuan ang 30,000 sako ng imported na asukal. Isa pang bodega ang sinalakay ng BOC sa Bulacan subalit hindi ibi­nigay ang detalye.

Ang pagsalakay sa mga bodega ng asukal ay ipinag-utos umano ni President Marcos Jr. makaraan ang kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga opisyal ng SRA na pag-import ng 300,000 metric tons sa kabila na walang pahintulot ni Marcos. Ni-reject ni Marcos ang importasyon. Nagbitiw naman sa puwesto ang tatlong SRA officials na lumagda sa sugar importation. Ganunman, itinuloy din ni Marcos ang pag-import ng asukal subalit 150,000 metric tons lamang. Sa paraang ito, hindi masasaktan ang local sugar manufacturers. Inihayag din ni Marcos na pumayag ang sugar manufacturers na ibaba sa P70 ang kilo ng asukal.

Tiyak na marami pang traders ang tiyak na nagtatago ng asukal. Inakala kasi nila na magtatagum­pay ang sugar importation ng SRA officials para ito ang magtatakip sa asukal na kanilang hino-hoard. Ngayon ay hindi na nila ito mare-release dahil nabu­­l­il­yaso ang importasyon ng SRA at binabaan pa ni Marcos ang bawat kilo ng asukal.

Paigtingin pa ang pagsalakay sa mga bodega ng asukal. Nararapat malantad ang ginagawang kabuktutan ng traders. Putulin ang kanilang pagsasamantala.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with