^

PSN Opinyon

Huwag nang iliban ang barangay polls

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ano ba ang motibo ng ilang nag-uudyok sa pagpapa­liban ng barangay elections? Ayaw kong isiping ito’y pumapabor sa mga barangay official na kapanalig nila. ‘Yung mga makakatulong sa pag-angat ng kanilang ambis­yong politikal.

Nauna nang ipinagpaliban ito sa panahon ni dating Pres. Rodrigo Duterte dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pan­­demic at wala akong nakikitang rason para muling ipagpaliban ito. Kaya hindi masisisi ang ilan nating kababayan na baka may ulterior motive ang mga nagpapanukala nito.

Sinabi sa Senado ni Comelec Chairman George Garcia­ na mangangailangan ang poll body ng dagdag na P5 billion­ kung ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elec­tions ay hindi maitutuloy sa taong ito.

Kasi raw, matuloy man o hindi ang eleksiyon, ipagpa­patuloy pa rin ng Comelec ang voters registration sa Oktubre.

Dito ay maidaragdag sa talaan ng mga botante ang mga new registrants at isasama sa talaan ng mga botante sa bagong schedule ng barangay at SK polls. Tinatayang 29.09 million bagong registrants ang magpapatala sa pagsisimula ng continuing voters registration.

Mangangahulugan ito ng dagdag na balota, indelible inks, pen at iba pang election paraphernalia bukod pa sa mga guro na itatalaga sa eleksiyon. Para kay Garcia, sapat ang P8.449 bilyong pondo kung itutuloy ang halalan sa Dis. 5, 2022. Ngunit kung ito ay muling ipagpapaliban, mangangailangan pa ng karagdagang pondo.

Para sa akin, hindi ang gastos ang problema. Kung sadyang dapat ipagpaliban gawin ito. Iyan ay kung nakapaloob ang interes ng bayan. Pero kung walang malinaw na rason bukod sa ulterior motive, ang pinakatumpak na dapat gawin ay ituloy ang barangay-SK polls.

GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with