^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mag-ingat sa leptospirosis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mag-ingat sa leptospirosis

Dumarami ang kaso ng leptospirosis. Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Hulyo 2022, nakapagtala na ng 1,078 kaso ng leptospirosis at 156 dito ang namatay. Pinakamarami ang kaso sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at Cagayan Valley. Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire­, maaring tumaas ang kaso ng leptospirosis nga­yong tag-ulan at bumabaha kaya pinag-iingat ang publiko.

Ang leptospirosis ay nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Tinatawag ang virus na leptospira. Pumapasok ang virus sa sugat na nasa paa o binti ng taong lumusong sa baha, dito na magsisimula ang leptospirosis.

Ipinapayo ng DOH na huwag lumusong sa baha ang may sugat sa paa at binti. Kung hindi maiiwa­sang lumusong sa baha, magsuot ng bota para may proteksiyon sa virus.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahi­hirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Ayon sa mga doctor, lumalabas ang mga sintomas makaraan ang pitong araw pagkalusong sa baha na kontaminado ng ihi.

Marumi ang Metro Manila. Maraming basura sapag­kat maraming residente ang walang disiplina sa pagtatapon. Maski ang mga estero ay punumpuno ng basura. Sa mga basurang ito nabubuhay ang mga daga. Kapag bumaha, hindi lang basura ang inaanod kundi pati dumi at ihi ng daga.

Nararapat magtulung-tulong ang lahat sa paglipol sa mga daga. Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran­ at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga. Magsagawa naman ng kampanya ang DOH laban sa leptospirosis. Nararapat maimulat ang mama­mayan para hindi sila mapahamak sa nakamamatay na sakit.

Paalala sa mga magulang, huwag hayaang mag­laro o maligo sa baha ang mga anak sapagkat diyan namumugad ang leptospirosis. Karaniwang makikita na kapag may baha, masayang nagtatampisaw ang mga bata. Huwag silang paba­yaan at baka mabiktima ng nakamamatay na leptospirosis.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with