^

PSN Opinyon

Hirap ng panahon

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Tila hindi maiwasang apektado na rin ang Pilipinas, pati na rin ang Davao City sa matinding hirap ng panahon dala na rin ng COVID-19 pandemic at sa sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kapansin-pansin na tumataas ang bilang ng kaso ng robbery at theft dito mismo sa Davao City ayon kay Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Kapuna-puna rin na imbes na sa mga awtoridad mag­hain ng reklamo ang mga residente, eh mas nauna pa nilang nai-post sa social media gaya ng Facebook ang nangyayari sa kanilang tahanan o maging ang mga panghoholdap na nagaganap at naging biktima sila.

Kaya nga hinimok ni Mayor Baste ang kapulisan na paigtingin nila ang pagbabantay sa iba’t ibang lugar sa siyudad kung saan laganap ang nakawan.

Kaabang-abang nga kung ano ang mangyayari sa mga darating na araw laban sa mga kasong ito.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with