^

PSN Opinyon

Kilalanin at alagaan, cultural heritage sites ng Makati

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Sikat ang Makati bilang premier financial district sa bansa at sa napakaraming modernong infrastructure natin dito. Ang mga nakakalulang building sa Ayala Avenue ay dini­senyo ng mga batikang arkitekto at hinahangaan ng napakaraming bisita at negosyante sa lungsod.

Ngunit sa kabila ng pagiging moderno at highly-advanced ng Makati, nanatiling buhay ang ating respeto para sa kasay­sayan, tradisyon, at kultura. Gaano man tayo kaunlad, hindi dapat kalimutan ang ating nakaraan. At mas lalong hindi dapat talikuran ang mga mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan bilang isang lungsod.

Ang Museo ng Makati sa Poblacion ay idineklara nang “Important Cultural Property” ng National Museum of the Phi­lippines. Ang kasalukuyang Museo ng Makati ay ang dating Presidencia ng San Pedro Macati. Ang istrukturang ito ay itinayo noong 1930s at nagsilbing munisipyo hanggang 1961.

Sa ngayon, ang Museo ng Makati ay naglalaman ng mga archeological artifact, earthenware, rare photograph, diorama, at mural. Mahalaga ito para sa ating mga mag-aaral at kabataan, maging sa mga bisita na gustong malaman kung paano lumago at naging progresibo ang Makati.

Bukod sa Presidencia ng San Pedro Macati, may lima pang Important Cultural Properties na pinangalanan ang National Museum.

Sa bisa ng R.A. 10066 o ang National Cultural Heritage Act, mayroong mandato para sa “protection, conservation, and restoration” ng  mga sumusunod: 1) Church Complex of San Pedro y San Pablo (Sts. Peter and Paul Church Complex) sa Poblacion; 2) Church Complex ng Nuestra Señora de Gracia sa Guadalupe Viejo; 3) Ermita de San Nicolas de Tolentino sa West Rembo; 4) Passenger Terminal at Control Tower ng dating Nielson Airport (Nielson Tower) sa Bel-Air; at 5) Makati Stock Exchange Building ni National Artist Leandro V. Locsin sa Bel-Air

Lalagyan ng markers ang bawat isa sa mga ito para mas madaling makilala ang katangi-tanging “cultural, artistic, and historical significance” nila sa Makati at sa buong Pilipinas.

Kami naman sa Pamahalaang Lungsod ng Makati ang nag­papatupad ng ordinansa para sa pangangalaga ng mga heri­tage sites na ito. Maliban sa Makati Stock Exchange Building ay nauna nang nai-declare na “locally significant” ang mga nabanaggit na site sa ilalim ng City Ordinance No. 2019-A-094  o ang  Makati Built Heritage Ordinance.

Ang Nuestra Señora de Gracia Church na mas kilala bilang Guadalupe Church ay isang Baroque-style church na itinayo noong 1601sa ilalim ng mga Augustiano.

Samantala, ang Sts. Peter and Paul Church naman ay itinayo noong 1620 sa pamumuno ng mga Heswita. Noong 1718 ay dinala sa simbahan ang imahen ng Virgen dela Rosa mula sa Mexico. Simula noon, naging patron na ng Makati ang “Rosa Mystica” at patuloy tayong nagpapasalamat sa kanyang pagbabantay at pagbibigay ng proteksiyon.

Bukod sa mga simbahan ay marami ring masasayang tradisyon ang ipinagpapatuloy natin. Isa na rito ang pagtatayo ng mga kubol at ang pabasa kapag mahal na araw. Nariyan din ang makukulay na fiesta para sa ating mga patron, at ang Santacruzan tuwing Mayo.

Tanda ito na hindi natin tatalikuran ang ating mga kaugalian at kinagisnan gaano man tayo kaunlad at kasagana. Dapat pa ring matutunan ng mga bagong henerasyon ng #ProudMakatizens ang mga aral mula sa kasaysayan upang maituloy nila ang pangangalaga sa mga kultura at tradisyon ng Makati.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with