^

PSN Opinyon

Walang kuwenta ang kaso

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

Makaraan ang halos dalawang taon, ibinasura ng Regional Trial Court (RTC) ang kaso dahil sa lack of jurisdiction. Dapat daw isinampa ang petisyon sa lugar kung saan matatagpuan ang rekord ng kasal o sa lugar kung saan matatagpuan ang opisina ng Office of the Civil Registrar General (ORCG) at Department of Foreign­ Affairs (DFA). Ayon sa RTC, ang hinihingi ni Joanne sa petisyon ay hindi ang pagkilala sa desisyon ng ibang bansa kundi pati pagtatama sa record ng civil registry kaya ang petisyon ay naging special proceedings at mahalaga ang venue.

Kinuwestiyon ni Joanne hanggang sa Supreme Court (SC) ang desisyon ng RTC. Mali raw ang hukuman sa pagbasura ng kaso dahil sapat naman ang porma at nilalaman ng kanyang petisyon at tinanggap na nila ang lahat ng ebidensiyang inihain na walang naging pagtutol o oposisyon ang gobyerno tungkol sa petisyon o kahit sa nasabing venue. Kung tutuusin daw, isyu lang ng proseso ang venue. Pero ayon sa SC, tama ang RTC sa ginawang pagbasura sa kaso dahil sa lack of jurisdiction. Dineklara ng korte na dalawa ang malinaw na hinihingi sa RTC: 1) pagkilala sa foreign decree of divorce; 2) pagtatama sa entry ng civil­ re­gistry. Kaya hindi sapat na maihain ni Joanne ang ebidensiya ng foreign decree pero dapat din na sumunod siya sa patakaran na nakalahad sa  batas (Art. 108 Rules of Court) para sa pagsasampa ng verified petition.

Malinaw na dapat isampa ang petisyon sa lugar kung nasaan ang civil registrar. Hindi ito nagawa ni Joanne. Ang ulat ng kasal ay matatagpuan sa DFA o kaya ay sa OCRG na nasa Pasay at sa Quezon City. Dapat ay isampa sa RTC kung nasaan ang dalawang opisina pero ang nangyari ay sa RTC kung saan nakatira si Joanne naisampa ang kaso. Mas madali ito sa kanya pero mali pa rin ang venue ng kaso. Idagdag pa na nakalimutan niya na isama ang DFA at OCRG sa kaso. Siyempre ay walang kapangyarihan ang RTC ng probinsiya ni Joanne na utusan ang opisinang nasa labas ng lugar na nasasakupan nito.

Kaya tama lang na ibasura ng RTC ang kanyang kaso. Ang kagandahan lang ay hindi hadlang ang desisyon ng RTC para muling magsampa si Joanne ng kaso sa tamang korte. Basta siguraduhin lang na naroon nga ang record ng kanyang Report of Marriage (Hoansen vs. Office of the Civil Registrar General, Department of Foreign Affairs, Philip­pine Statistics Authority and Office of the Solicitor General, G.R. 256951, November 29, 2021).

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with