^

PSN Opinyon

Pangakong trabaho at sapat na pagkain

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Pagkakaisa ng mga Pinoy ang pinanawagan ni President Ferdinand Marcos Jr sa kanyang talumpati noong Huwebes. Sabi ni PBBM, kalimutan na ang nakaraan at harapin ang hinaharap upang makabangon sa kahirapan dahil sa pana­nalasa ng pandemya. Sa ngayon, trilyones na utang ng bansa ang haharapin ni PBBM kaya kailangan ang koope­rasyon ng bawat Pinoy.

Sa kanyang talumpati, nangako si PBBM ng hanapbuhay at pagkain sa mamamayan. Bibigyan umano niya ng pansin ang hanay ng agrikultura upang maparami ang pagkain. Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, mapalalaki ang produkyon ng palay, isda, live stock at iba pa na sasagip sa kagutuman ng sambayanan.

Ngayong si PBBM na ang mamamahala sa DA, tiyak makakakalos na ang mga smuggler ng gulay na kakutsaba ang mga corrupt na opisyal at empleyado sa Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA). Pag­babasehan ni PBBM ang isunumiteng report ni out going Senate President Tito Sotto.

Hinihintay na ngayon ng sambayanan ang magiging aksiyon ni PBBM sa untouchable officials na naghari-harian nang mahabang panahon sa BOC.

Samantala. hindi pa umiinit ang puwet ni PBBM sa Malacañang ay kaliwa’t kanan na naman ang pagpoprotesta ng ilang grupong kulang sa pansin (KSP).

Nagsagawa ng protesta ang mga KSP sa Liwasang Bonifacio at sa harap ng Quiapo Church habang nanu­numpa si PBBM. Wala na yatang naging president ng bansa ang hindi inulan ng protesta.

Wala namang masama sa pagpuna sa mga proyekto ng pamahalaan. Malaking tulong ito para malantad ang mga korap sa pamahalaan. Tulong din ito kay PBMM para habulin ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Panawagan sa mga KSP na magdahan-dahan at pag­bigyan si PBBM na makapagpakita ng pruweba sa kanyang­ unang 100 araw sa pagkapresidente. Sa ngayon, walang tigil ang oil price hike kaya wala ring tigil ang pagtaas ng mga bilihin. Kapag napangasiwaan nang maayos ni PBBM ang sector ng agrikultura tiyak mawawalis ang mga b’waya na salot sa mga magsasaka at mangingisda.

Magtalaga naman sana si PBBM ng isang mahusay na Department of Health (DOH) secretary. Sa ngayon, hindi pa naibibigay ang mga benepisyo ng healthcare workers (HCWs). Umaasa ang HCWs na ibibigay na sa kanila ang naturang benipesyo upang magamit sa kani-kanilang pamilya.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with