^

PSN Opinyon

Biniktima ang palaboy (Huling bahagi)  

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS ang paglilitis, hinatulan ng RTC si Berto base lang sa testimony ni Amy. Napatunayan na diretso, malinaw at walang pag-aalinlangan ang salaysay ng dalagita. Ang salaysay niya na nakipagtalik siya sa kliyente base sa naging pagsusuri ng doktor sa kanyang katawan at sa mga sugat na tinamo sa kanyang ari at labia minora.

Ang hatol ng RTC kay Berto ay 20 taon na pagkakulong at multa na P1 milyon para sa child trafficking pati pagkakulong na 10 taon, dalawang buwan, at 21 araw hanggang 17 taon, apat na buwan at isang araw para naman sa krimen ng child abuse.

Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon pati nag­lagay ng 6 percent interes sa danyos. Ang sabi ng CA ay maaari pa rin naman na  mapatunayan ang krimen kahit pa base lang sa testimonya ng biktima basta’t positibong itinuro at malinaw ang pahayag.  Tama ba ang RTC at CA?

TAMA. Ayon sa Supreme Court, ang krimen ay bumigat at naging qualified trafficking in person dahil si Amy ay 14 anyos lamang nang maganap ang krimen at pinatunayan ito sa kanyang birth certificate na talagang wala pa siya sa edad na 18 anyos.

Ayon sa SC, walang pag-aalinlangan na nagkasala si Berto sa krimen ng child abuse nang aktibo niyang kumbinsihin si Amy na pumasok sa child prostitution. Ang isang bata ay binubuyo sa prostitusyon kung hinahayaan siya na pumasok sa pakikipagtalik para kumita siya ng pera o kapalit ng ibang konsiderasyon o sapilitang ­isinadlak dito dahil sa impluwensiya ng sindikato o grupo.

Kahit pa sabihin na pumayag ang bata sa ginawa sa kanya at hindi siya nagreklamo ay hindi pa rin puwedeng panghawakan ito dahil wala siyang kakayahan na pumayag. Ang bata ay hindi maituturing na kayang magbigay ng kanyang permiso sa pagkalakal ng sariling laman kumpara sa kliyenteng pamilyar na dito lalo at hindi naman gugustuhin ng menor de edad na kusang pumasok sa ganitong gawain.   

Sa kasong qualified trafficking in person sa ilalim ng RA 9208, ang hatol kay Berto ay habambuhay na pagkakulong at multa na P2,000,000 pati moral damages na P500,000 at exemplary damages na P100,000.

Sa krimen ng Child Abuse sa ilalim ng RA 7610, ang hatol naman ay 14 na taon, 8 buwan, hanggang 20 taon pati civil indemnity na P50,000.

Ang lahat ng pera ay dapat patawan ng 6 percent interes kada taon hanggang maging pinal ang desisyon at mabayaran nang buo (Brozoto vs. People, G.R. 233420, April 28, 2021).

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with