^

PSN Opinyon

124 taong nakalipas, malaya pa ba rin tayo?

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
124 taong nakalipas, malaya pa ba rin tayo?

Ang mga historian o mananalaysay ay mga dalubhasa sa pagsisiyasat at pag-unawa sa pagkakakilanlan ng mga tao, lipunan at bayan. Gumagamit sila ng iba't ibang pamamaraan at analytical tools sa pag-aaral ng nakaraan, kabilang na ang lalim at lawak ng pagkakaiba ng mga ideya, institusyon, at kultura, batay sa kaukulang panahon at lugar. 

Aking naging panauhin sa Pamilya Talk - Independence Day special --- ang ‘woke’ content creator na si Janina Vela at ang sikat na historian at De La Salle University Professor Xiao Chua --- kung saan aming pinag-usapan ang epekto ng historical revisionism.  

Habang nagbabago at yumayaman ang wika, karaniwan nang pumapasok sa mainstream ang mga salita o mga katagang nagkaroon na ng panibagong kahulugan. Isang halimbawa na rito ang “woke" na tumutukoy sa pagiging mulat sa mga isyung panlipunan, lalung-lalo na pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa katarungang panlipunan o social justice.  Pero ngayon, mas lumalim pa ang kahulugan nito, at naging panawagan na rin para sa mabilis na aksiyon. Tulad nga ng sabi ni Janina, “Talagang pag namulat ka na, kasalanan nang pumikit.”

Pero dahil sa juvenoia (fear or hostility directed by an older generation toward a younger one, or toward youth culture in general), marami ang madaling i-dismiss o balewalain ang mga woke content creator bilang 'walang alam', 'walang muwang', o 'propagandista' lang.  Ito ay nanggagaling sa labis na pangamba sa impluwensiya ng mga pagbabago sa lipunan sa mga kabataan; at sa pag-aalala kung saan nagmumula ang kanilang mga impormasyon.  Ito ay resulta na rin ng pagkakalantad ng kabataan sa internet at iba pang mga bagay na hindi galing sa mga kinagisnan ng nakatatandang henerasyon.

Noong 1898, idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila. Makalipas ang 124 na taon, patuloy pa rin ang malakas na impluwensiya sa ating lipunan ng 300 taon ng pananakop o colonial rule. Makalipas ang 124 na taon, nakikipaglaban pa rin tayo, ngunit hindi na ibang bansa ang ating kalaban kundi ang katakot-takot na iresponsableng content creators sa social media na nagpapakalat ng maling mga impormasyon at sumusubok na baguhin ang kasaysayan.

Ang pag-aaral tungkol sa kasaysayan at sa pagkakaiba-iba ng karanasan ng tao ay nagbubukas sa ating isipan para igalang ang mga kultura, paniniwala, at tradisyong iba sa atin. Itinuturo din sa atin ng kasaysayan na bagama’t magkaiba ang ating mga karanasan mula sa karanasan ng ating mga ninuno, magkapareho naman ang ating mga adhikain at paninindigan. 

Ngayong ang social media ay nag-democratize ng impormasyon o nagbigay kapangyarihan sa lahat sa paglikha ng content, responsibilidad ng lahat ng Pilipino na maging tapat sa katotohanan --- sa kung ano ang mapapatunayan o verifiable at kung ano ang tama. Utang natin ito sa mga bayaning nauna sa atin, at sa susunod na henerasyon ng ating mga anak. Sabi nga ni Prof. Xiao, ang bagong depinisyon ng pagiging bayani ay ang pag-akap at pakikipaglaban sa katotohanan.    

 

--

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected]        

INDEPENDENCE DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with