^

PSN Opinyon

Presyo ng petrolyo wala nang pag-asang bumaba   

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MALABO nang magmura o bumaba pa ang presyo ng petroleum products hanggang may Russia versus Ukraine war.

Sabi nga, hindi lang madlang Pinoy ang naapektuhan ng pagtaas ng mga pangunahin bilihin at petroleum products kundi maging sa buong mundo ganito rin ang nararanasan ng madlang people doon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago ang COVID pandemic ang presyo ng langis sa US of A ay US$1 plus per gallon pero ngayon US$4 plus na kaya pati tsibog doon mahal na rin.

Bukas ng 6:00 a.m. muling sisipa ang ­presyo ng langis sa Philippines my Philippines ng almost P5.00 to P6.70 sa diesel, at P2.65 up to P2.80 sa gasolina at P5.15 to P.5.30 ang malamang itaas.

Sabi nga, hindi na kaya pang kontrolin ang mga presyuhan kaya naman nararanasan na­ting niyoyoyo tayo kasi nga tataas nang mala­king halaga bababa ng halos kalahati lang kung susuwertihin, hehehe!

Kaya naman ang domino effect sa lahat nang bilihin ay grabe na rin at sa palagay ko hindi ito makokontrol sa ngayon.

“Pati kuryente ay sasabay na rin sa pagtaas, pamasahe ay maaring madagdagan, presyo ng pagkain, tubig at marami pang iba tiyak hindi na rin maawat ang pagtaas,’’ sabi ng kuwagong nananalangin.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, apektado rin ang US of A sa taas presyo ng mga bilihin at gasolina doon lalo’t ipinasara ni President Biden ang pipeline ng daluyan ng gasoline, hehehe!

“Hindi talagang kayang kontrolin sa ­ngayon ang taas presyo ng gasolina hangga’t ­nagraratratan ang Russia at Ukraine,’’ sabi ng kuwagong referee.

Ika nga, apektado rin tayo sa pagtaas dahil lahat ng countries sa mundo ay nagbukas na rin para lumago ang kanilang economy bukod pa rito, nagliparan na rin ang mga eroplano ng bawat bansa para sa tourism nila kaya lumaki ang demand.

Sabi nga, affected lahat sa supply and demand.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lalong maghihirap ang mga mahihirap na isang kahig, isang tuka.

Ano kaya ang mangyayari sa kanila? ­Abangan.

OIL PRICE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user