^

PSN Opinyon

Bagong Lipunan muli?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG bagong presidente at bise-presidente ang naipro­klama ng Kongreso. Sa ayaw ninyo o sa gusto, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio ang uupo sa Hunyo 30. Nasabi ko na ito noon. Hindi ko maisip na isang Marcos na naman ang uupo sa Palasyo.

Napupuno na nga ang social media tungkol sa pagbantay sa pagpigil na baguhin ang kasaysayan na mabago, mabura, makalimutan, o makansela. May mga lumalabas na dating video at artikulong nagpapakita ang kalupitan ng rehimen, pati na rin ang kanilang marangyang pamumuhay. Marami ang nagpahayag ng pagkabahala na sa pagta­talaga ni Sara Duterte bilang DepEd secretary, ang rebisyon ng mga aklat-aralin na naglalaman ng panahon ng batas militar at ang EDSA revolution ay paiikliin o lubusang tatanggalin.

Ang tagapagsalita at hinirang na executive secretary ni Marcos ay umiwas sa isang katanungan kung ano ang magiging kapalaran ng piyesta opisyal na EDSA Revolution­ ngayong ang anak nang napatalsik na diktador ang presidente. Kung paano tratuhin ni Marcos ang piyesta opisyal ay hindi pa natin alam.

Pagkatapos ay mayroong tanong tungkol sa nakaw na yaman na hindi pa nababawi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), isang ahensya na binuo noong administrasyong Cory Aquino para bawiin ang nakaw na yaman ni Marcos. Ito ba ay bubuwagin, isa­santabi, o hindi papansinin sa susunod na anim na taon? Hindi pa rin nareresolba ang bilyun-bilyong hindi nababayarang buwis­ na tila inupuan lang ng BIR, pati ang kasong disquali­fication na inangat na sa Supreme Court. Pero tulad ng sinabi ni Sen. Manny Pacquiao, “Expected naman ‘yan”.

 Unti-unti na ring nabubuo ang Gabinete ni Marcos. Pinangalanan na ang secretary ng DepEd, DILG, DOLE, DOJ, at NEDA. Hinirang ni Marcos si BSP Governor Benjamin Diokno bilang secretary ng Department of Finance (DOF) at Ex-UP President Alfred Pascual bilang DTI chief. Itinalaga rin si SMC Tollways president at chief executive officer Manuel “Manny” Bonoan bilang secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Karamihan sa kanila ay nagsilbi sa mga nakalipas na administrasyon, partikular sa mga administrasyong Estrada at Arroyo. Hindi ako magtataka kung mga matagal na taga-suporta sila ni Marcos at Duterte. Mukhang tanggap naman ng mga negosyante ang mga itinalaga para sa economic team ni Marcos. Sana nga.

 May mga lugar kung saan naririnig ko ang kantang “Bagong Lipunan”. Alam ko yan dahil pinapatugtog ang kantang ito sa mga sinehan bago ipalabas ang sine noong dekada 80. Para sa mga nakadama ng kilabot at hirap noong martial law, baka natutuyuan sila ng dugo. Ipinahayag ni Marcos na dapat siyang husgahan hindi sa pamamagitan ng kanyang mga ninuno kundi sa kanyang mga gagawin.

Isang bagong “Bagong Lipunan” ba ang kanyang nais makamit? Ang hamon ng mga hindi bumoto kay Marcos patunayang mali ang kanilang pagkakakilala sa kanyang pamilya. Marami rin ang nagbabantay sa kaynag maging isangdaang araw na nakaupo. 

Tingnan natin, hindi ba?

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with