^

PSN Opinyon

PAF reservist, nanapak ng PWD!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Isinuka ng Philippine Air Force (PAF) ang isang reservist­ na inireklamo sa BITAG kamakailan. Kitang-kita sa video na ipinadala sa BITAG kung paano nito sinapak sa batok ang isang binatang person with disability (PWD.)

Naplatan ng gulong ang trike na minamaneho ng PWD kaya ito napahinto sa gitna ng kalsada. Ikinainit ito ng ulo ng reservist. Bumaba sa kanyang sasakyan at sinapak sa batok ang pobre.

Sagot ng kolokoy na reservist nang makausap ng BITAG, dala lamang daw ng pagod kaya nag-init ang kanyang ulo at nasaktan ang binata. Hindi rin daw niya alam na PWD ito.

Ikinabahala ng PAF ang inasal ng reservist. Nang mapanood sa BITAG Live nitong Lunes ang sumbong, agad silang nakipag-ugnayan sa pamilya ng biktima at sa BITAG.

Kinumpirma sa BITAG ni PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano na miyembro ito ng reserved command ng PAF. Subalit hindi nila pahihintulutan ang mga ganitong gawain sa kanilang hanay.

Kahapon ng umaga, agad nagpalabas ng desisyon ang PAF. Napatunayang conduct unbecoming ang inasal ng reservist.

Dahil dito, delisted na ang reservist at hindi na ito ma­aaring yumapak, pumasok o bumisita saan mang camp at bases ng PAF.

Subalit tila wala pa ring pagsisisi sa parte ng nanapak na kolokoy. Kung anong amo nito habang kausap ko sa ere, siya namang angas nito kapag kaharap ang pamilya ng PWD sa barangay.

Ang ina ng PWD, biglaang napauwi ng Pilipinas. Sa tono umano ng kumag nang humarap ito sa kanila, sinisisi pa nito ang pamilya ng PWD dahil pinababayaan daw ito na nasa kalsada.

Isinama pa raw ang kanyang ina sa barangay nang humarap ito sa mga nagrereklamo. Si Mader ang kumukuwestiyon kung bakit nasa kalsada raw ang biktima.

Putres na bariles ‘to, ang laki-laki ng katawan, malakas manapak ng mga taong mahihina—may pagka-mama’s boy pala!

Tandaan, protektado ng batas ang mga PWD at anumang pananakit, pang-aabuso o pambabalahura sa kanila, mananagot ang sinuman.

Ang susunod na hakbang ng BITAG, surprise! Panahon na para bumiyahe ulit!

BITAG

PHILIPPINE AIR FORCE

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with