^

PSN Opinyon

Away na ito ng taumbayan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ang nagaganap na political tension ngayon ay away na ng 31-milyong bumoto kay Ferdinand Marcos Jr. at ng 14-milyong bumoto kay Leni Robredo. Kaugnay pa rin ito ng isinampa sa Korte Suprema na petisyon para ipawalang-bisa ang Certificate of Candidacy ni Marcos na nauna nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec).

Sakaling paboran ng Korte and petisyon at madiskuwalipika si Marcos, tatanggapin ba ito ng mahigit sa 31-milyong bumoto at nakipaglaban sa kanya? At sakaling mabigo ang disqualification move, siguradong patuloy na mag-aalsa ang mga tumututol na manungkulang presi­dente si Marcos.

Magkakaroon sigurado ng legal battle kung sino ang dapat pumalit kay Marcos: si Robredo ba o si Vice Presi­dent-elect Sara Duterte? Iyan ay isang sensitibong usaping gugugol ng mahabang panahon bago mapagdesisyonan­ ng Korte Suprema.

At anumang desisyon ang ibaba ng Korte ay pihong mayroon pa ring tututol at magpoprotesta dahil walang Ibig magpatalo. Nakakapangamba ang posibleng maganap na senaryo dulot ng pagkakawatak-watak ng taumbayan.

Sabi nga ni Senate President at natalong Vice Presi­dential candidate Tito Sotto, ito ay magiging Constitutional crisis na paparalisa sa pag-usad ng bansa sa kaunlaran.

Samantala, tinanggap na ng Korte ang petisyon at pina­sasagot na ang kampo ni Marcos at mismong Co­melec. Matagal na proseso ang palitan ng sagot ng mag­ka­bilang panig at habang walang kaayusan ang pamahalaan, paanong maaasikaso ang mga dambuhalang problema ng bansa sa ekonomiya, kawalan ng trabaho at pandemya?

FERDINAND MARCOS JR.

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with