^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Patuloy na operasyon ng online sabong

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Patuloy na operasyon ng online sabong

Malaking hamon kay Interior Sec. Eduardo Año ang patuloy na operasyon ng illegal e-sabong. Sa kanyang mga kamay ipinaubaya ni President Duterte ilang linggo na ang nakararaan, ang pagpapatigil sa e-sabong. Siya ang kinunsulta ng presidente ukol sa online na sugal kung ipagpapatuloy o hindi. At batay sa rekomendasyon ni Año, nakinig ang presidente at saka nagpasyang itigil na ang e-sabong. Atas ng presidente, hulihin ang mga lalabag. Napagtanto ng presidente na sinisira ng e-sabong ang values ng mga Pilipino.

Pero ang kautusan ay tahasang nilalabag. Sa kasalukuyan, naglipana ang illegal online sabong websites at patuloy na nakakataya ang mga Pilipinong nahumaling na sa online sabong. Patuloy ang kanilang pagtaya kaya tumatabo ng kita ang mga nagmimintina ng online sabong. Kabilang sa mga nahuhumaling at sugapa na sa online sabong ay mga kabataan. Madali lang tumaya sapagkat cell phone lamang ang gamit. Napakadaling  maglaro at madali ring matalo. Sa isang iglap, simot ang pinag­hirapang kitain. Hindi na makabawi hanggang lubog na sa utang. Ang iba para makabayad sa utang, magnanakaw. Ang iba, ibebenta ang sariling anak para makabayad. Gagawin ng mga addict sa e-sabong ang lahat para makabawi na hindi naman nangyayari. Ang pagkasira ng pamilya ang kinahahantungan ng lahat.

Ang paglipana nang maraming online sabong websites ay nararapat paimbestigahan ni Secretary Año. Kung hindi siya kikilos, para ano pa ang kautusan ni President Duterte. Kailangang matukoy ang mga nag-ooperate ng illegal e-sabong at parusahan ang mga ito. Hindi dapat manaig ang bisyong ito na marami nang winasak na buhay.

Noong una, ayaw makinig ni President Duterte sa panawagang itigil ang e-sabong sapagkat malaki ang buwis na kinikita rito ng pamahalaan—P640 milyon bawat buwan—subalit dahil sa rekomendasyon ni Año, pinili niyang ipatigil ito.

Katulungin ng DILG ang Philippine National Police (PNP) para madaling matunton ang operators ng illegal e-sabong. Huwag lubayan ang mga ito.

Ipag-utos din naman niya ang paghanap sa mga nawawalang sabungeros na ialang buwan nang nawawala.

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with