^

PSN Opinyon

Critical collaboration

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PORMAL na proklamasyon at panunumpa sa tungkulin­ na lang ang inaabangan para maging opisyal nang pre­sidente ng Pilipinas si Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. Si VP Leni Robredo ang inihalal kong presidente at ang aking bise presidente ay ang ating kolumnistang si Willie Ong.

Sayang at natalo sila. Tanggapin man natin o hindi, ang susunod na presidente at bise presidente natin na manunungkulan sa Hunyo (kung wala nang magaganap na aberya) ay sina Marcos at Sara Duterte na halos mag­kaparehas ang tinamong boto na nakapako sa mahigit 31 milyon.

Sa pagtunghay ko ng social media, marami pa ring kapanalig ni Leni Robredo ang naghihinalang may talamak na dayaang nangyari. Para kay Presidente Duterte “walang dayaang nangyari.”

Ito na nga ba ang pangamba ko bago pa man ga­napin­ ang eleksyon. Na sino mang manalo kina Marcos at Robredo ay malamang pa ring magkakaroon ng pag-aaklas.

Karamihan sa mga natalong presidential bets ay tumang­gap na ng kanilang pagkatalo. That’s the right thing to do. Pero ang mga supporters ng talunang kandidato ang nag-aaklas pa ang kalooban at hindi matanggap ang pagka­talo ng kanilang “manok.”

Sa ganang akin, ang nararapat ibigay ng lahat nga­yon sa papasok na administrasyon ay ang ating critical collaboration. Sumuporta tayo sa mga mabuting programa subalit manatiling mulat ang mga mata sa mga posibleng katiwalian at pang-aabuso na maaaring maganap. Walang mabuting ibubunga ang anumang pag-aalsa ng taumbayan.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with