^

PSN Opinyon

Ganti ni misis (Last part)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Tinanggihan ng korte ang oposisyon ni Ray kasi ay huli na ito ng dalawang buwan. Ayon sa Supreme Court Administrative Matter (AM) No. 04-10-11-SC ay mayroon lang limang araw si Ray para sumagot. Hindi ito puwedeng pahabain pa. Ang korte ay hindi dapat hadlangan sa pagdinig sa usapin kaya hindi na tinanggap ang kanyang sagot. Bagkus at naglabas na ang korte ng PPO at pinanatili ang utos na dumistansiya si Ray sa kanyang mag-iina ng 200 metro para hindi magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng psychological/emotional abuse. Inutos din ng RTC na magbigay ng P100,000.00 kada buwan bilang sustento.

Nang umapela, kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC. Walang mali raw sa pagtanggap ng summons ng abogado dahil siya ng kinatawan ng kanyang kliyente sa kaso. Inakyat pa rin ni Ray ang usapin sa Supreme Court.

Pero ayon sa SC, tama ang CA na ang pagtanggap ng abogado ng abiso ay katumbas ng pagtanggap ng kanyang kliyente. Iyon nga lang, lumalabas na hindi abogado ni Ray si Atty. Primero sa kasong ito kundi sa ibang kasong kriminal (RA 9262) na nakabinbin sa ibang korte. Sa madaling salita ay walang counsel of record si Ray.

Pero kahit pa ganoon ay kusang loob naman na nagpasakop si Ray sa kapangyarihan ng RTC nang ipasa niya ang Entry of Appearance with Opposition kontra sa PPO. Sa kanyang paghingi na dinggin ng korte ang kanyang panig ay ibig sabihin na hindi siya tutol sa jurisdiction o kapangyarihan ng RTC. Ang kanyang kusang pagpapasakop ang tumapos sa kung ano man ang puwedeng maging usapin sa service of summons. Kaya nga nagkaroon ng pormal na kapangyarihan ang hukuman sa kanya. Ang PPO na pinapalayo si Ray ng 200 metro mula kay Naty at mga anak nila pati ang P100,000.00 na sustento ay nararapat lamang (Sabado vs. Sabado et. al., G.R. No. L-214270, May 12, 2021).

vuukle comment

SUPREME COURT ADMINISTRATIVE MATTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with