^

PSN Opinyon

Gagawing batas para pabor sa mga kulelat!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Sabi ng Commission on Election (Comelec), isusulong nilang gawing batas ang pagdalo ng mga local at national­ candidate sa Comelec debate.

Sa susunod na eleksiyon, gagawin na itong “mandatory­.” Ang hindi dumalo sa debate, idi-disqualify bilang kandidato dahil sa paglabag sa Election Omnibus Code.

Bakit ba kailangang gawin ito? Dahil may mga kandidatong nangunguna, nasa tuktok at gustong hilahin pababa ng kanyang kasamahan na parang mga talangka.

Mga tulo-laway dahil nasa itaas ‘yung kanilang kalaban at kahit ano ang kanilang gawin, hindi magiba ang desisyon ng mga botante na ang nangunguna pa rin ang kanilang iboboto.

Nakakatawang isipin na dapat obligahin ang mga kan­didato na dumalo ng debate. Kung tutuusin, ang boto ay manggagaling mismo sa mga tao.

Kung masaya ang isang tao sa kanyang kandidato, kesehodang ilang debate ang kanyang dinaluhan o hindi dumalo, ito pa rin ang kanyang isusulat sa kanyang balota.

Kung ayaw dumalo, it’s his/her disadvantage. Bakit mo pipilitin, bakit mo pupuwersahin hanggang sa puntong gagawin mong batas para mapasunod mo dahil sa kagus­­tuhan ng mga talunan?

Kung mapapansin natin sa kasalukuyang sitwasyon­, laging dehado ang hindi dumadalo. Tinatawag na duwag, walang-alam, bobo o  tanga kasi takot dumalo sa debate kasama ang ibang kandidato.

Ang problema, kung sino ‘yung hindi dumadalo ay ‘yun ang lalong nangunguna. Ano kayang sikreto?

So we are expecting na sa susunod na eleksiyon, may matibay nang batas na oobligahin ang mga kandidato na dumalo ng debate ng Comelec. Parang ang dating, daluhan n’yo ‘yan kung hindi, kakaladkarin namin kayo o disqualified kayo bilang kandidato.

Palagay ko, mas makabuluhan sa oras ng mga mambabatas na pagtuunan ng pansin yung mga umusbong na partylist na kung tutuusin, wala namang silbi. Dahil hindi talaga nila nirerepresenta ang mga sector na kanilang dinadala.

Huwag nating gamitin ang batas pangkubli o balat-kayo para pagsilbihan ang mga taong galit na galit dahil kulelat.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with