^

PSN Opinyon

Silang mga inendorso ng iba’t ibang partido

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

May ilan-ilan din tayong senatoriables sa darating na May 9 elections na nakausap at ang tinutukoy ko ay yung mga senatoriables na walang partikular na partido ngunit sila ay inendorso ng iba’t ibang partido sa darating na elections.

Nakausap ko si Sorsogon Gov. Chiz Escudero, Senator Joel Villanueva at maging si former presidential legal counsel Salvador Panelo na pawang mga senatoriable nga.

Sila ay pawang inendorso ng iba’t ibang partido.

At ang akala ng karamihan, madali at masaya na ‘yung ikaw ay inendorso ng magkaibang partido.

Inamin ni Villanueva na may kahirapan din dahil nga hindi mo naman pupuwedeng daluhan lahat ng rallies ng mga magkatunggaling partido na may iba-iba ngang kandidato nila sa pagka-presidente at bise presidente.’’

Ayaw mo ring masaktan ang isa man sa mga presidentiable kung sakaling pangalanan mo ang napipinto mong kandidato sa pagka-presidente at bise presidente.

Kaya nga kailangang ayusin nila ang kanilang kampanya na sinisiguro nilang wala silang masasaktan sa mga nag-endorso sa kanilang partido.

Minsan nga mas mabuti pang hindi na lang sila du­malo sa mga rally, motorcade of caravan ninuman para maiwasan nilang masaktan ang mga kumakandidatong presidente at bise presidente.

At iniisip din na ang delikadesa na nahihiya rin silang umakyat sa entablado ng isang partido tapos ibang kandidato pala ang kanilang inendorso.

Ganun ‘yun kasaklap. Kaya tingnan na lang natin sa mga darating na araw kung saan ba talaga sila papanig. Makikita rin ‘yun.

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with