^

PSN Opinyon

Kahit ‘di kilala, ang kursunada, iboto mo

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sampung kandidato sa pagka-Pangulo ang isinama ng Commission on Elections (Comelec) sa mga inilimbag na balota para sa national elections sa Mayo. Matangi kina Bongbong Marcos, Leni Robredo, Isko Moreno, Manny Pacquiao, Ping Lacson, Leody de Guzman, Ernesto Abella at Norberto Gonzales, ang karamihan ay virtually unknown o hindi kilala.

Sabi ng Comelec, kahit hindi kilala ‘yung ibang naka­sama sa balota, nagprisinta sila ng requirements na nag­papatunay na kuwalipikado silang tumakbo kaya hindi iti­nuring ng nuisance candidate.

Madalas, porke ang napipili nating kandidato ay walang­ name recall dahil mga kaibigan lang at kamag-anak ang nakakikilala, kahit inaakala nating karapat-dapat sila ay hindi na natin ibinoboto. Kaya madalas, maraming showbiz per­sonalities ang nagwawagi sa eleksyon dahil matunog ang kanilang pangalan. Nagwawagi kahit walang kakayahan.

Iyan ang problema ng ating electoral system.

Bago ka makatakbo sa pambansang posisyon, kaila­ngan mo pa ng makinarya. Ang tinatawag na makinarya ay puwedeng super-popularity o salapi. Minsan, kulang ang isambilyong piso mo para makapagsulong ka ng national campaign. Kaya paano makakakandidato si Mang Pedro na isa lang elementary teacher at hindi kilala sa buong bansa?

Buti nga at mayroon nang social media para makaya­nan­ ng mga ordinaryong mamamayan na walang ma­sya­dong pera na makapangampanya sa mahika ng Internet. Pero hindi pa rin epektibo ito kumpara sa makinarya ng salapi at katanyagan.

Basta ang mahalaga, iboto natin ang inaakala nating karapatdapat. Malamang matalo pero bumoto tayo ayon sa ating konsensya.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with