^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung may diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung may nararamdamang pamamanhid, laging uhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetes. Lalo na kung may lahi ka ng diabetes, dapat suriin ang iyong asukal sa dugo. Kapag ang blood sugar ay higit sa 105 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting­ blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Ang ibig sabihin nito ay 20-50 percent ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na ng diabetes.

Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako ng doktor, pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pancreas.

Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, magdiyeta at mag-ehersisyo. Bawal ang matataba at matatamis. Umiwas sa softdrinks, iced tea at mga juice. Magtubig ka na lang. Mag-ehersisyo ng mas regular. Kailangan ay pina­pawisan.

Pangalawa, kung mas mataas pa sa 125 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan.

May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetes. Ito ay ang (1) Metformin 500 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon; (2) Gliclazide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga P5 lang ang bawat isang tableta. Mas mura ang gamot sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy.

Sa pamamagitan nitong dalawang gamot, dapat ay mapababa sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar, at bumaba sa 140 mg/dl kung ika’y nakakain na.

Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng kumplikasyon nito. Mama­manhid ang paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Hindi na kayang mag-sex. Masisira ang ugat ng puso. At sa huli, mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot sa dialysis at pagkamatay.

Hindi biro ang diabetes. Huwag maniwala agad sa mga advertisement at supplements sa diabetes. Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Siguradong hahaba ang buhay n’yo sa mga gamot na ito. Kumunsulta sa inyong doktor.

DIABETES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with