_ngayon
^

PSN Opinyon

Gising NTC! Pagtulog sa pansitan itigil na!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakapagbakasyon na ako’t lahat pero ang National Telecommunications Commission (NTC) national office, natutulog pa rin sa pansitan. Tinawagan, sinulatan, patay­ malisya pa rin ang NTC. Higit isang linggong hindi pinansin ang BITAG hinggil sa reklamo laban dito sa putragis na Radio Station sa Damulog Bukidnon. Ang Go Star FM na pag-aari ng konsehal ng bayan na si Samuel Gogo.

Umaga, tanghalian, hapunan walang ginawa si Gogo pati kanyang anchors na manira at mambaboy ng maliliit na tao gamit ang ilegal na radio station. Walang lisensiya sa NTC, walang permit sa munisipyo pero namamayag­pag ang pagbo-broadcast ng istasyong ito. Mismong NTC-Region 10, nagsagawa na ng inspeksiyon noon pang Hunyo 2021. Nobyembre na subalit wala pang desisyon ang NTC national office.

Nakaraang linggo pa nakipag-ugnayan ang BITAG sa NTC para sa status ng report ng Region 10 subalit walang sumasagot sa kanilang telepono at sa sulat na ipinadala­ namin sa email. Ang mga lintik, kung hindi pa ako nag­pa­dala ng mga tao sa tanggapan ng NTC sa Quezon City na hindi rin naman nila pinapasok, kung hindi pa nakaabot kay DICT Sec. Gregorio Honasan, kung hindi pa namin nakausap si DICT Usec. Ali Atienza, hindi pa kami makakakuha ng update.

Noong Lunes, unang araw ko pagbalik mula sa bakas­yon, ayon sa spokesperson ng NTC na si Jason Valencia, ipatatawag at magkaka-hearing na raw sa Nobyembre 22. Limang buwan na ang nakalipas, ngayong Nobyembre 22 pa lang magkakaaksiyon? Ibig sabihin, hayaan lang muna na magbroadcast ng mga pambabastos, pan­lalait at pambababoy ang Go Star FM hanggang sa ipatawag ito ng NTC.

Kaya malakas ang loob nitong putris na si Gogo dahil alam niya ang kahinaan ng mga awtoridad na ipatupad ang batas. Mantakin n’yo, may nilabag na, iligal na ang operasyon, maghi-hearing pa rin?! Anong klaseng burukrasya meron kayon diyan sa NTC? Nagparating ako ng maanghang na mensahe para kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, gumising na’t sayang ang pasahod ng taumbayan.

Kinagabihan, tumawag sa BITAG ang representante ng legal department ng NTC national office, may show cause order with cease and desist order na raw ang radio station na pinirmahan noong Nob. 3, 2021. Habang sinusulat ang kolum na ‘to, kasalukuyang ini-issue ng NTC Region 10 kasama ang tanggapan ng mayor ng Damulog, Bukidnon at mga pulis ang desisyon sa bahay at radio station ni Gogo.

Hindi pa ako tapos sa pendehong konsehal na’to na walang pakundangan kung labagin at bastusin ang batas at mga otoridad. Nakaplanong lumipad ang BITAG pa-Bukidnon ngayong linggong ito para harapin si Gogo at kanyang mga bastos na radio anchors!

NTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with