^

PSN Opinyon

Huwag sanang masayang

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa NCR at apat pang rehiyon sa bansa. Ito ang ulat ng OCTA Research pati na rin ng FDA. Magandang balita. Tila patungo na nga ang bansa sa normalidad. Pero patuloy ang babala na hindi puwedeng maging kampante kahit bumababa na ang mga kaso. Ang dapat nga ay mag-ingat para hindi naman masayang ang nagaganap ngayon.

Ang mga bansang lumuwag na dahil bumaba ang bilang ng mga kaso ay nakararanas ngayon ng pagdami. Nagaganap ito sa United Kingdom at New Zealand. Ang New Zealand ang isa sa may pinakamababang bilang ng COVID sa mundo, pero nakararanas ng pagtaas ng bilang ngayon. At tila ganito nga ang nangyayari. Luluwag ang gobyerno, kikilos ang mga tao na tila normal na ang lahat, darami ang  kaso. Patunay na hindi pa rin lubusang nawawala ang COVID.

Pinag-iisipan na ngang ilagay ang NCR sa mas maluwag na Alert Level 2 dahil nga sa pagbaba ng mga kaso. Kasabay naman nito ang babala mula sa DOH, parti­kular ang pagdagsa ng tao sa Dolomite Beach sa Maynila. Pinabayaang dumagsa ang napakaraming tao sa nasabing man-made beach. Hinihikayat nga ang DENR na may pakana ng proyekto, na limitahan ang pagpasok ng tao. Isasara na raw ang beach tuwing Biyernes at sa Undas.

Problema naman ngayon ay marami na ngang bakuna, mabagal naman ang pagbigay sa tao. Nasa 25  porsiyento pa lamang ng populasyon ang kumpleto ang bakuna. Malayo pa sa mga target na nais makuha bago sana mag-Pasko.

Medyo nangangamba nga ako na kung ilagay sa sa Alert Level 2 ang NCR o iba pang lugar sa bansa, baka mas maging kampante ang tao at isiping lahat puwede nang gawin. Magbubukas na nga ang mga sinehan. Siguradong sabik ang tao manood sa malaking screen at hindi sa cell phone o TV sa bahay. At maaaring mapuno na ang mga malls dahil sa shopping.

Sana naman huwag masayang ang naabot na natin. At sana pabilisin ang pagbabakuna. Magawa lang iyan, mapapabilis na ang pagbalik sa normal.

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with