^

PSN Opinyon

Kapakanan ng health workers, sundalo nalimutan ng admin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sa giyera unang inaasikaso ng heneral ang kapakanan ng sundalo. Walang operations at supplies kung walang tauhan. Parang giyera ang pandemya, Dapat unahin ang healthcare workers (HCWs) sa frontline.

Pero sa budget ng Department of Health para sa 2022, walang nakalaan para sa special risk allowances ng HCWs. Inusisa ito ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa hearing nu’ng Setyembre 1. Nu’ng araw na ‘yon nag-rally ang libong HCWs dahil sa atrasadong bayad ng SRA noon pang Setyembre 2020.

Sagot ni Health Sec. Francisco Duque nakapaloob sa panukalang Bayanihan-3 ang pondo. Mali ‘yon, ani Quimbo. Hindi tiyak na papasa ang bill, pero ang 2022 national budget ay obligado. Bukod du’n tira-tirang SRAs lang mula sa expired nang Bayanihan-1 at -2 Acts ang pondo sa -3. Kapos para sa tig-P34,000 na SRA para sa 148,000 HCWs.

Sa 2022 budget ng Department of National Defense ay zero ang nakalaan para sa pag-ospital ng sundalo at beterano, at pag-repair at pagpalit ng mga lumang makina sa ospital. Nu’n din Setyembre 1, inusisa ni Rep. Jericho Nograles kung bakit wala ang hiling ng Veterans Memorial Medical Center na P300 milyon para sa cobalt cancer therapy, P90 milyon na MRI machine, P36 milyon sa pagtayo ng endoscopy center, P29 milyon sa pag-ayos ng radio therapy at P35 milyon sa upgrade ng pulmonary ICU.

Sagot ni Defense Sec. Delfin Lorenzana binura lahat ng Department of Budget and Management; kunin na lang daw ang pera mula sa kita ng VMMC golf course. Bakit ka pumayag, ani Nograles? Ang taunang kita sa golf course ay P2 milyon lang bago 2020; bumaba nitong pandemya dahil walang naglalaro. Nasa frontline ang sundalo at reservists ngayong pandemya, at utos ng Konstitusyon alagaan ang mga beterano.

Mabuti pa ang kumpanyang Chinese na Pharmally Corp. Kinontrata ito ng admin nang P8.7 bilyon pang pandemic supplies miski dayuhan, walong buwan pa lang, P625,000 lang ang kapital, at walang karanasan. Nalimutan ng admin ang kapakanan ng HCWs at sundalo.

 

vuukle comment

SRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with