^

PSN Opinyon

Matalino at marangal na pamamaraan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY ang mga banat ni President Duterte laban­ sa mga kumukuwestiyon sa paggastos ng kanyang admi­nistrasyon sa pondo ng bayan. Nagsimula siya sa Com­mission on Audit (COA), sinabihan sila na huwag isapubliko ang mga ulat o natuklasan dahil agad na hinuhusgahan­ ng tao ang mga ahensiya, at pagkatapos ay sinabihan ang kanyang Gabinete na huwag pansinin ang COA. Ang Senado naman ang sunod na tinira partikular ang Blue Ribbon Committee na iniimbestigahan ang mga natuk­lasan­ ng COA hinggil sa pagbili ng mga PPE at iba pang mga materyales kontra-COVID napatunayang mahal ang presyo at kung bakit isang supplier na may kaduda-dudang mga kuwalipikasyon ang nakakuha ng bilyong pisong kontrata.

Naging personal si Duterte sa kanyang pag-atake kay Sen. Richard Gordon na namumuno sa komite at Sen. Ping Lacson. Sinabi ko na kapag ang mga pag-atake ay naging personal sa pagtatalo o debate, alam nang natalo­ na ang namemersonal. Nasa tungkulin ng COA ang suriin ang paggasta ng gobyerno at punahin ang mga anomalya, kakulangan, o disallowances sa paggastos ng gobyerno. Trabaho nila yan. Ang Senado ay nagsisilbing bantay rin sa lahat ng ginagawa ng gobyerno. Kabilang ito sa “checks and balance”. Ngunit para kay Duterte, tila nais niya na mawala na lang lahat ito.

Para sa Presidente, walang dapat magtanong, pumuna sa kanyang administrasyon at lumabag sa kanyang ka­gus­tuhan. Maging ang senador na dating nag-imbestiga sa kanya habang siya ay mayor pa sa Davao City, ma­ging ang Komisyon sa Karapatang Pantao sa pagpuna at pagsita sa kanyang madugong laban kontra iligal na droga, maging isang network na nagpalabas ng mga pampulitikang komersyal na hindi niya nagustuhan o kung ano pang mga ahensiya na pumupuna sa kanyang administrasyon o sa kanyang Gabinete. Ipinahayag niya noong 2016 na ang kanyang itinalaga sa Gabinete ay «the best and brightest». Matapos ang limang taong panunungkulan malinaw na hindi iyon ang kaso.

 Narinig na rin na kanyang pinahayag na wala siyang ilusyon tungkol sa kapangyarihan. Pagod na raw siya, gusto nang bumaba sa puwesto, lahat iyan. Ngayon nais niyang tumakbong vice president. At sino ang hindi nag-iisip na kung sakaling kaalyado ang magiging presidente ay siya pa rin ang masusunod? Ang nais nga ay siya ang mag-a-audit sa COA kung maging vice president.

 Pinupuri ko ang COA at ang mga senador sa pagiging matatag sa kanilang posisyon sa kabila ng mga panunuyo at banta ni Duterte. Mabuti at nakikita natin ang mga senador na may gulugod, kahit ngayon lang. Dapat magpatuloy ang mga pagsisiyasat.

At tungkol sa pagtatangka ni Roque na ilihis at ituro ang mga daliri sa inaakalang mga pagkakamali sa nakaraang administrasyon, isang dating tagapagsalita at maging ang COA ay kaagad na nagbigay ng mga sagot kontra sa kanyang mga pahayag. Dapat sagutin na lang ang mga isyu sa isang matalino at marangal na pamamaraan, kung kaya pa nila.

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with