^

PSN Opinyon

Face off

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAG-AALBUROTO ang madlang Pinoy sa Philippines my Philippines kahit na ang mga Noypi abroad sa ginagawang pagkalampag ng mga pulitiko sa P8.7 bilyong halaga ng mga kontrata para maibigay diumano ang medical supplies na kailangan sa COVID-19 pandemic last year.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangang hubaran ng maskara ang mga taong sangkot, nakinabang at tumulong sa nasabing jackpot deal para makuha ang mga kontrata sa medical supplies.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magkakaroon nang malakas na pagyanig sa gagawing pagsiyasat ng ilang pulitiko sa isyung pinag-uusapan natin lalo’t nalalapit na ang May 2022 elections. Sabi nga, bukuhin, supalpalin ang sabwatan blues!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumambiyo ang kulitan sa senate inquiry tungkol sa ibinu­yangyang ng COA sa kakulangan ng paghawak ng pondo ng DOH, pero nagkaroon ng turn around issue sa ginawang gisahan blues regarding sa Procurement Service ng Department of Budget ang Management at Pharmally Pharmaceuticals Corp.

Sabi nga, hindi biro ang himayan blues sa isyu dahil hanapan ng tinik ang malalim na isyu tungkol sa P8.7 billion contract ng medical supplies. Ika nga, lagot kayo sa sambayanang Pinoy lalo’t malapit na ang eleksyon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangang silipin para malaman ng sambayanan ang pagkakasinghot este mali pagkakasangkot pala ng mga opisyal ng gobyerno sa pagbigay ng kontrata sa Pharmally, isang singaw na kompanya este mali singaw pala na may P625,000 capital. Dapat makapa ang umano’y large scale corruption? Malaki ang dapat ipaliwanag ng Pharmally sa madlang Pinoy dahil pera nila ang ginamit sa kontrata. Abangan.

* * *

CebPac domestic cancel flights

Kinansela ng Cebu Pacific ang bilang ng kanilang domestic flights dahil sa mga paghihigpit ng pandemya sa Metro Manila. Ang MM ay mananatili sa ilalim ng MECQ hanggang September 7. Ang mga pasahero ay maaring tumawag sa ticketing office ng CebPac para sa iba pang detalye.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with