_ngayon
^

PSN Opinyon

Rep. Torres-Gomez, itinutulak ang DDR kontra bagyo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NANAWAGAN si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez sa mga magigiting na Senador na ipasa na ang kanyang panukalang Department of Disaster Resilience (DDR) para magkaroon ng maagang paghahanda ang gobyerno laban sa mga darating na bagyo at iba pang weather disturbances.

Ang House Bill No. 5989, na ang author ay si Rep. Torres-Gomez, ay ipinasa na sa third and final reading sa Kongreso at nai-forward na sa Senado noong pang Setyembre 2020. Subalit bakit mabagal kumilos ang mga Senador sa isyung ito? Baka nais pa ng ating mga Senador na tumama ang makapansirang bagyo tulad ng Ondoy at Yolanda bago sila kumilos? Araguuyyyyy!

Kapag tumama ang malalakas na bagyo, aba bil­yones ang nasisirang agricultural products at infras­tructure at dapat maiwasan ito sa hinaharap kapag gumagana na ang DDR, lalo na at nasa rainy season na tayo, di ba mga kosa? DIpugaaaaaa! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maging si President Digong ay todo-suporta sa DDR at binanggit niya ito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Kung ilang bagyo na kasi ang dinanas ng liderato ni President Digong kaya alam niya ang pinsalang inabot ng iba’t ibang sulok ng Pinas, lalo na sa Bicol na tinaguriang typhoon path ng bansa, dahil binisita niya ang mga ito.

Kaya pinasalamatan ni Rep. Torres-Gomez si President Digong sa todo suporta niya sa DDR dahil kinakabahan ang ating kababayan tuwing tag-ulan sa pangambang bahain ang kani-kanilang bahay, dili kaya’t anurin ng baha o tabunan sila ng landslide. Dipugaaaaa!

Si Rep. Torres-Gomez ay ang chairwoman ng House committee on Disaster Reslience kaya’t lahat ng report ng mga nanalasa na bagyo at iba pang sakuna at disaster na tumama sa bansa ay alam niya. Kaya itinutulak ni Rep. Torres-Gomez ang DDR dahil ang mandato nito, powers at functions ay mapabilisan ang pagtulong sa mga nasalanta nating kababayan at mapababa ang pinsala tuwing may bagyo at iba pang sakuna o disaster. Dipugaaaaa! Get’s n’yo mga kosa?

Mahigit 28 na bagyo ang dumadaan sa Pinas kada taon, kaya’t dapat gumana na ang DDR para iisa na lang ang sangay ng gobyerno na may sapat na pondo, klarong sistema sa paghahanda at pagtugon kapag tumama ang mga ito. Ang Pinas sa kasalukuyan ay binabaha bunga sa habagat na dala ng bagyong Fabian at sana may sapat na paghahanda na ang gobyerno na harapin ito kung umaandar na ang DDR, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

LUCY TORRES-GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with