_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mag-ingat sa Delta variant

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Mag-ingat sa Delta variant

Nasa high risk ang National Capital Region  (NCR) dahil sa mabilis na hawahan ng COVID-19. Ayon sa OCTA Research Group, tumaas sa 1.15 ang COVID-19 reproduction number sa NCR nang makapasok sa bansa ang Delta variant.

Ayon kay Dr. David Guido ng OCTA, mabilis ang hawahan ng COVID kapag mataas sa isa ang reproduction number. Ayon pa kay Guido, kapag nagpatuloy ang mabilis na hawahan, maaaring sumipa sa 10,000 ang kaso bawat araw ng COVID. Posible umano itong mangyari sa mga susunod na linggo o mas maaga pa.

Habang nagbababala ang OCTA sa posibleng pagdami ng kaso ng COVID, inihayag naman ng Department of Health (DOH) na may 12 pang kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa. Mga lokal na kaso umano ang mga bagong naitalang kaso. Sa kabuuan, umakyat na sa 47 ang kaso ng Delta variant sa bansa.

Sa nangyayaring ito, nararapat na magpatupad ng ibayong paghihigpit para maiwasan ang bangis ng Delta variant, na ayon sa mga eksperto ay mas mabilis makahawa. Ang Delta variant ang kasalukuyang nananalasa sa Indonesia dahilan para umapaw ang mga pasyente sa ospital. Bago ang pananalasa sa Indonesia, ang variant ding ito ang tumama sa India noong Mayo at Hunyo na nagdulot nang maraming pagkamatay. Sa dami ng namatay sa India, sa open space na sinusunog ang mga bangkay. Ang iba naman, inilibing sa tabing dagat samantalang may pinaaanod sa Ganges River.

Kung magpapatuloy ang pagdami ng kaso ng Delta variant sa bansa, kailangan na ang todo-higpit sa border. Huwag hayaang may makapasok na dayuhan lalo kung galing sa mga bansa na may kaso ng Delta variant.

Huwag na ring palabasin ang mga bata sapagkat delikado silang mahawa ng Delta variant. Ipagpatuloy ang paghihigpit at laging ipaalala sa mamamayan na sundin ang health protcols. Magsuot ng face mask at face shield at huwag kalimutan ang social distancing. Lubusang pag-iingat ang nararapat ngayon sa mabagsik na Delta variant. Mayroon nang aral na natutuhan nang dumami ang kaso noong Marso at Abril kaya dapat alam na ang mga gagawin kapag humagupit ang Delta variant.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with