_ngayon
^

PSN Opinyon

Ces Drilon, ba’t tumambal kay Rep. Delos Santos?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga hinahangaan ko at itinuturing na may kredibilidad na TV talk show host si Ces Drilon. Pero punang kapatid lang kay Ces na kaibigan ko, bakit ka tumambal kay Ang Probinsyano Party list Rep. Alfred Delos Santos sa bago mong show sa TV? Ang pamagat ng show ay “Basta Promdi Lodi.”

Worried lang ako at baka maapektuhan ang iyong kredibilidad, Ces. Controversial Solon kasi si Delos Santos na nung araw ay napabalitang may inumbag na waiter dahil sa kalasingan. Natatandaan ko na nag-viral pa nga ang video niya sa social media na nambuntal ng waiter sa Legazpi, Albay.

Ilang taon na rin nang mangyari yun at siguro, nakapagsisi na si Cong. sa kanyang nagawa. Lahat naman tayo nakagagawa ng mga bagay na pinagsisisihan natin sa huli. Pero Hindi madaling lumimot ang tao. Hanggang ngayon, nasa social media pa rin ang video ng pang-uumbag. Ganyan kalupit ang webspace.

Katunayan, binatikos ng netizens si Ces Drilon sa kan­yang Instagram account nang ianunsiyo ang kanilang programang “Basta Promdi Lodi” kasama si Cong. Delos Santos.

Anang isang nagkomento, “That will affect you reputation and good public character.” Nagmamalasakit lang siguro ang mga nagkomento. Marahil, tagahanga rin sila ni Ces na worried na baka bumagsak ang credibility ng kanilang hinahangaang TV host.

Siguro ay blocktime program ang talkshow o binayaran ang istasyon upang magkaroon ng slot sa radyo. Pero sino ang nagbabayad? Dahil sa titulong “Basta Promdi­, Lodi,” siguro ang nagbabayad para ma-ere ito ay ang Pro­binsyano Party List. Matatandaan na nang mangyari ang pambubugbog, kinasuhan ng ethics case ng Kongreso si Delos Santos. Bakit hindi siya napatawan ng kahit anong sanction at bagkus ay  ginawa pa siyang deputy majority leader?

CES DRILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with