_ngayon
^

PSN Opinyon

Alberto Sanchez Dizon, 75

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KINUHA na ni Lord si Daddy Alberto, dating DepEd Region 3 supervisor sa Pampanga, dahil sa sakit last Friday­. Naulila ni Daddy Alberto sina Nenita Dizon at Lilian Pratt, mga anak na sina Alberto Jr. at Joyce, Jun at Myra David, Allan at Lhen Dizon, Al Dizon, Brandon Dizon, Willy Dizon Maricel Dizon PJ at Mylene Atienza, Arnold at Jisun Dizon, Marie Kristal Dizon at mga apo.

Bukas (Martes) dakong alas dos ng hapon, ihihimlay ang labi ni Daddy Alberto sa La Pieta Cemetery, Angeles City.

* * *

Leopard gecko nabuko ng mga tauhan ng BOC-NAIA

Kinumpiska ng Bureau of Customs-NAIA, ang isang parsela galing Thailand na naglalaman ng buhay na leo­pard gecko sa pakikipag-ugnayan sa DENR noong isang linggo.

Ibinida ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, na ang parsela ay dumating sa Paircargo warehouse  na nag­lalaman ng leopard gecko at walang import permit na maipakita mula sa DENR. Iniutos ni Talusan na magsa­gawa 100% physical examination kaya nabuko ang live leopard gecko na nagkakahalaga ng P20,000.

Ayon sa DENR, ang tuko ay species na kinokontrol sa ilalim ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES) at protektado sa ilalim ng Republic Act No. 9147 (Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act). 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para magkaroon ng ganitong klase ng koleksyon, kaila­ngang kumuha muna ng import permit galing sa Biodi­versity Management Bureau sa ilalim ng DENR. Ang paglabag sa RA 9147 ay may parusang pagkabilanggo hanggang 4 years at multang hanggang P300,000.

Ang nasamsam na leopard gecko ay isailalim sa sei­zure and forfeiture proceedings sa paglabag sa Seksyon 1113 na may kaugnayan sa Seksyon 117 ng RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Seksyon 11 ng RA 9147. Sinabi ni Talusan, sa pamamagitan ng direk­syon ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, tinitiyak ng BOC-NAIA, sa publiko na mananatili itong nakatuon sa paniniktik at pagtatangka ng ilegal na wildlife trade habang walang tigil ang pagpapatupad ng port ng utos nito ng pag-protekta sa mga hangganan ng Philippines my Philippines.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with