^

PSN Opinyon

Huwag mangamba

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Huli nang naumpisahan ang Philippine vaccination­ program. Hambing sa ating mga karatig bansa sa ASEAN, medyo kulelat tayo sa pagkumpuni ng ating vaccine­ stocks. Isa ito sa mga hinanakit ng naghahanap ng butas sa tugon sa pandemya. Sa huli ay hindi naman gaanong kalayuan ang agwat ng ating iskedyul. Ilang araw o linggo Rin lamang ang pagitan.

Nang mag-umpisa ang aktuwal na pagbabakuna, meron na namang nabagalan. Kung kakaunti rin lang naman ang nababakunahan kada araw, maaring tatlong taon daw ang lilipas bago maabot ang target na herd immunity. Dapat daw ay 500,000 per day at hindi 50,000 a day ang tinatalang jab.

Sa huli ring bilang ay makikita natin na pataas nang pataas ang ating per day record. Itong nakalipas na linggo ay halos 237,000 ang ating daily average. Hindi malaon at maabot na rin natin ang higit na mataas na daily rate.

Tumama na rin tayo sa milestone na 10 million doses. Mahigit 7.5 million na ang naturukan ng unang dose at mahigit 2.5 Million ang kumpleto na ang dalawang dose. Malayo pa tayo sa target na 58 million hanggang 70 million. Subalit unti-unting bumubuti ang kalagayan ng lugar­ kung saan nagkukumpul ang impeksyon – tulad ng Metro Manila.

Nasa 42% nang total na nabakunahan ay nasa Metro Manila. Prayoridad ang MM dahil dito nakatira at nag­hahanapbuhay ang marami sa ating mga kababayan. Sentro­ ng gobyerno, negosyo, edukasyon at kultura, dito rin kuma­kalat nang husto ang virus. Ang pangalawang katwiran­ ay dahil sa kontribusyon nito sa ekonomiya kung kaya dapat unahin ang pag-areglo rito.

Sa pinakahuling pagtuos, napag-alaman na umaabot na sa kalahati ng target ang mga Metro Manila Cities. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi na lumalala ang sitwasyon. Atrasado man tayo, dama naman natin ang patuloy na pagpupursigi ng kinauukulan. Nababawasan ang histerya natin basta alam nating pinangangatawanan ng lahat ang kanilang katungkulan.

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with