_ngayon
^

COVID-19 spike

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2021 - 12:00am

Napag-desisyonan ng  local government ng Davao City na isailalim sa lockdown ang ilang mga gusali at opisina rito pagkatapos na lumabas sa pagsusuri na tumataas ang bagong cases ng COVID-19 dito sa siyudad.

Minabuti ng local inter-agency task force against COVID-19 na isailalim sa lockdown ang isang business process outsourcing firm pagkatapos magpositibo ang 46 na call center agents. Kahit asymptomatic ang mga empleyado, nilagay pa rin sa lockdown and nasabing BPO sa loob ng 14 na araw simula noong Biyernes.

Pinag-utos din na i-qurantine ang ibang call center agents maliban pa sa 46 na kinakailangan nang mag-undergo ng treatment.

At ang Sangguniang Panglungsod building naman dito ay naka-lockdown simula bukas hanggang June 6 dahil na rin sa mga COVID-19 cases na tumataas.

Iniutos din ni Mayor Sara Duterte-Carpio na ang kasalukuyang liquor ban at curfew hour ay extended hanggang July 31 bilang hakbang sa pagsugpo sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 dito.

Medyo punuan na rin at wala nang kama sa Intensive Care Unit (ICU) maging sa regular rooms ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) dahil nga sa dami ng COVID-19 cases na dumarating.

Iniisip ni Mayor Duterte-Carpio na muling gamitin ang FM pass upang pagbawalan lumabas ang mga wala namang kailangang gawin sa labas ng mga bahay nila.

Mahirap nga ang panahon ngayon dahil sa pandemya kaya kinakailangan din tayong sumunod sa protocols at nang bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with