_ngayon
^

Supply ng marijuana sa Metro, napigilan ng Cordillera police!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2021 - 12:00am

Walang parating na marijuana sa Metro Manila at karatig na lugar nitong nagdaang linggo. Kaya masasabi kong epektib ang pamamaraan ni Brig. Gen. Ronald Lee, Cordillera police director, na bunutin ang mga marijuana plants sa mga bundok na sakop niya para walang maibabang shipment sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon. Bakit ngayon lang nangyari ito?

Kahit mahirap hagilapin ang marijuana plantations sa kabundukan ng Cordillera, hindi naman nagsawa ang mga pulis, PDEA at maging ang mga militar para magtulung-tulong na bunutin ang mga ito, lalo na sa NPA rebels infested areas. Kung walang marijuana plantation, wala ring supply ng marijuana na ibababa sa Metro Manila ang drug syndicates, ‘yan ang reasoning ni Lee. Dipugaaaaa!

Kaya’t tama lang na pinapurihan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar si Lee, ang PDEA at iba pang opera-ting units ng PNP sa Cordillera matapos mabunot nila ang 67,320 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalagang P13.5 milyon sa apat na plantation sites sa bundok ng Bgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga noong Mayo 28. Maghapon na nagtrabaho ang mga operatiba sa apat na plantation sites na may kabuuang 6,900 square meters.

Ayon kay Lee, natunton ang plantation sites ng intelligence division ng Cordillera police at intel unit ng Kalinga police sa tulong ng kanilang “asset.” Ang kasali sa clearing operations at ang RPDEU, RID, RSOG, RA Kalinga, PIU, PDEU Kalinga, Tinglayan police, 1502nd at 1503rd Coy RMFB, at 2nd Coy PMFC. Bigyan ng jacket ang mga ‘yan!

Siyempre, tulad ng mga naunang pagbunot ng marijuana plants ng Cordillera police, wala silang naabutan na cultivator nito. Kaya ang lahat nang nabunot na marijuana ay sinunog na sa apat na plantation sites. Dipugaaaaa!

Sinabi ni Eleazar na ang ilang bahagi ng Cordillera ay masasabing naturally-conducive environment para taniman ng marijuana. Kaya binalaan ni PNP chief ang mga nagtatanim nito na paiigtingin pa ni Lee ang kampanya laban sa kanila nang sa gayon ay hindi mapakinabangan ang ilegal nilang negosyo.

“We know how resourceful these marijuana growers have been, but the PNP and PDEA are relentless in our pursuit under the Internal Cleanliness Policy as our share on the government’s aspiration of drug/crime-free country,” sabi ni Eleazar. Dipugaaaaaa! Abangan!

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with