_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Padaliin ang vaccination

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Padaliin ang vaccination

DADAGSA na ang mga bakuna sa bansa, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez. Ngayong Mayo, inaasahan ang pagdating pa ng Pfizer at Sputnik V mula sa Russia. Sa Hunyo, darating ang Moderna at mayroon nang negosasyon sa Sinovac at AstraZeneca na malapit na ring dumating. Malapit na rin umanong matapos ang kasunduan sa Johnson & Johnson.

Ayon kay Galvez, target niyang magkaroon ng mass vaccination sa Setyembre at kapag nangyari ito magiging maganda na ang Pasko para sa mga Pinoy. Ayon pa sa vaccine czar, may mahigit 2.6 million doses na ang naibakuna.

Kung maraming darating na bakuna, wala na palang problema. Ang magiging problema na lang ay kung paano mahihikayat ang mamamayan na magpabakuna. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagdadalawang-isip magpabakuna dahil sa mga nababalitang pagkamatay ng ilang nabakunahan. Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na walang kaugnayan ang bakuna sa mga napabalitang namatay makaraang bakunahan.

Kung marami pa rin ang urong-sulong sa pagpa­pabakuna, malaking problema ito. Maaaring ma-expired ang mga bakuna kapag dumagsa. Sabi ni Philippine Red Cross chairman at Chief Executive Officer Senator Richard Gordon, nasa 1.5 million doses ng AstraZeneca ang mae-expired sa susunod na buwan. Masasayang umano ang mga ito habang marami naman ang gustong magpabakuna. Suhestiyon ni Gordon sa DOH na paigtingin at bilisan ang pagbabakuna. Isama na raw sa baba­kunahan ang mga kaanak ng health frontliners para maubos ang mga bakuna. Hindi raw ito dapat masayang.

May punto si Gordon. Bakunahan ang lahat ng mga gustong magpabakuna. Tanggapin ang mga walk-in. Marami kasing ang proseso ay kailangang mag-online registration muna bago mabakunahan. Padaliin ang vaccination. Alisin na ang mga masa­limuot na registration para marami ang mabakunahan. Kung maaari, magbahay-bahay na para iglap lang, ubos na ang bakuna. Walang mai-expired o masasayang.

CARLITO GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with