_ngayon
^

Duterte-Carpio debate

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

Hinamon ng debate ni Presidente Rodrigo Duterte si dating Supreme Court Justice Antonio Carpio hinggil sa usaping may kinalaman sa West Phl Sea. Paulit-ulit na sinisisi ni Carpio ang administrasyon sa ginagawang pana­nakaw ng China sa karagatang itinuturing na sakop ng ating exclusive economic zone (EEZ).

Nabanas na si Duterte. Hinamon si Carpio na mag­daos sila ng public debate at patutunayan niya na ang lahat ng aberyang nangyayari ngayon sa pinagtatalunang kara­gatan ay dahil sa kapabayaan ng nakaraang adminis­trasyon ni Presidente Noynoy Aquino.

Tinanggap ni Carpio ang hamon. Matalino si Carpio at dalubhasa sa batas, lalo na sa international law. Matatas at mahusay siyang magsalita. Ang Pangulo naman ay isa ring abogado na matatawag na street smart pero wala sa kanya ang eloquence na taglay ni Carpio.

Kung magkakaroon ng debate ang dalawa, tiyak na ito’y magiging pinakamalaking event of the year na pano­noorin ng nakararaming Pilipino. Pero sa tingin ko, impo­sible itong maganap. Bakit? Matatanto ng Pangulo na ito’y ma­giging malaking kahihiyan niya kung ilampaso siya ni Carpio sa balitaktakan.

At kung Iyan ang mangyayari, malamang na si Carpio ang ibotong Pangulo ng mga Pilipino kung kakandidato siya sa darating na eleksyon. Siguradong pagpapayuhan siya ng mga kaalyado niyang pulitiko na huwag ituloy ang debate kahit pa pumayag na si Carpio. Pihong sasa­bihin ng kanyang mga opisyal na ang paghahamon ng Pangulo ay isa lamang hyperbole o figure of speech.

Sasabihin din marahil nila na may protocol na sinusunod at hindi pinapayagang makipagdebate ang Pangulo sa sinumang hindi niya ka-level. Lusot na siya kung magkagayon. Kaya huwag nating asahang mangyayari iyan. May aatras sa huling oras at tiyak kong hindi si Carpio.

EEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with