^

PSN Opinyon

Doktor, vlogger o salesman? Ano ba talaga Doc Adam?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

May mensahe ako dito sa isang vlogger na, doktor pa, salesman pa na si Doc Adam. Hindi ko trabahong ipagtanggol ang anumang produkto lalo na itong binanatan mo nitong Lunes na KINGS HERBAL Food Supplement.

Mabuti naman at dinelete mo na ang video mo sa You­Tube kaya napilitan akong i-hide rin ang sagot ko sa’yo unfiltered. Fair is fair lang.

Para sa iyong kaalaman Doc Adam, I am morally and legally obligated sa publiko kung ano man ang sinasabi’t ginagawa ko sa aking mga programa.

Hindi ko trabahong “manlinlang” kaya itong sinasabi mo na you will debunk Ben Tulfo…errrr - for what? Ano bang claims ko?

Show me if there’s any deceit o panlilinlang sa ginawa ko lalo na sa usapin ng Kings Herbal Food Supplement.

Maybe hindi mo alam na bago maging sponsor ng BITAG ang Kings Herbal ay dumaan ito sa mahabang pro­seso’t imbestigasyon – 13 years ago pa.

Teka nga pala, bakit ba hilig mong tirahin ang mga Pinoy showbiz personalities o ‘di kaya mga kontrobersiyal na personalidad pati na rin kapwa mo doktor? Ano ba talagang motibo mo?

Mukha yata kasing sinasarapan ka ng gawing “playground” ang Pilipinas kaya panay Pinoy clickbait ka.

Maraming higit na magagaling na doktor ang Pilipinas, mas respetable pa. Isa na rito si Doc Willie Ong na may YouTube Channel din, masa doctor, no vested interest.

Si Doc Willie, may mga pasyente, nagpa-public service, nagtuturo’t nagbibigay ng kaalaman hinggil sa mga sintomas ng karamdaman at paano ito maiiwasan.

Nagbibigay rin siya ng suhestiyon kung paano magka­karoon ng kaginhawahan sa kalusugan ang taong meron ng karamdaman.

Eh pansin ko lang Doc Adam, dine-debunk mo ‘yung ibang produkto katulad ng Kings Herbal na lisensiyado naman ng FDA hindi bilang gamot (lilinawin ko) kundi bilang food supplement… pero nagbebenta ka rin ng ibang produktong pangkalusugan sa website mo.

Ano ba talaga… doktor, vlogger, investigator o salesman? I really don’t know if you’re still a practicing doctor, or enabler, or influencer turned salesman or entrepreneur.

Tip lang Doc Adam, palawakin mo pa lalo ang iyong KAALAMAN hindi KAYABANGAN para manggamot ng mga pasyente mo.

Bakit ikaw ang topic sa kolum ko ngayon? Well, you fired the first shot, I just fired back.

vuukle comment

DOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with