_ngayon
^

Coordination

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2021 - 12:00am

DAHIL sa nangyayari ngayon sa nagsusulputang community pantry, naalala ko tuloy ang ginawa naming outreach sa Operation Damayan, na social arm ng The Philippine STAR noong Disyembre 2012 sa kasagsagan ng Bagyong Pablo na kung saan natamaan ang ilang lalawigan sa Eastern Mindanao kasali na ang Compostela Valley, na ngayon ay tinatawag nang Davao de Oro. 

Ang pinsalang dulot ng Bagyong Pablo sa Compostela Valley ay napakalawak at nag-udyok na magsagawa nga ng calamity relief operations ang Operation Damayan sa nasabing lalawigan na may tatlong oras ang biyahe mula Davao City.

Malaking pasasalamat ng Philippine STAR sa mga donors na nagbigay ng pondo upang maisakatuparan ang Operation Damayan sa Compostela Valley. Kaya nagsidatingan ang STAR Damayan volunteers mula Maynila dito sa Davao City upang maisagawa ang relief operations.

Pinapakita ko kung gaano kahalaga ang koordinasyon gaya ng grupo namin sa Operation Damayan sa  kinauukulang disaster response team ng local government units magmula sa provincial government, sa municipal government at sa barangay mismo lalo na at ang grupo namin ay nagmula pang Maynila.

Alam kong patuloy naman ang pamahalaan sa pagbigay ng ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Pablo, kaya sinuguro kong tanungin ang disaster response and emergency team ng Compostela Valley kung ano ang mga bayan o barangay na hindi pa nila nabigyan at doon kami papasok upang makakasiguro kaming makakatanggap lahat at hindi magdodoble ang iba.

Pinag-usapan namin sa grupo kung saang area kami papasok at mamigay ng ayuda. Kaya naki-pagcoordinate kami sa mga local leaders para sa security concerns at maging upang maayos ang daloy ng  distribution.

Mahalaga ang coordination dahil nga marami ring mga ibang organisasyon at grupo na namigay ng ayuda sa mga biktima ng Bagyong Pablo na hindi dumaan sa local goverment units ng Compostela Valley at namigay lang sila ng namigay sa mga daan at kung saan saan na hindi naiayos ang distribution. Kaya ang resulta ay gulo nga at nag-aagawan ang mga gustong kumuha ng dala nilang ayuda.

Malaking tulong din ‘yung coordination dahil nga kagaya nang nasiraan ang truck namin sa gitna ng daan sa bundok ng Barangay Upper Ngan at mas madaling makahingi ng tulong sa kinauukulan dahil alam nila ang galaw namin at kung nasaan kami. Kahit paano dumating din ang saklolo para sa mga dala naming ayuda para sa mga biktima ng Bagyong Pablo.

At ‘yong coordination na ginawa namin sa relief operation ng Damayan Foundation ng Philippine STAR sa Compostela Valley ay nagbigay daan din sa pagpatayo ng isang six-room school building para sa Corazon Aquino High School sa Barangay Baclog sa municipality ng Compostela na siya namang ikinatuwa at malaking pasalamat ng mga kabataan sa nasabing lugar.

COMMUNITY PANTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with