^

Abusadong municipal accountant ng Rizal, Nueva Ecija

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip o likas ang pagiging masama ang ugali ni Hilbert Villanueva, ang muni­cipal accountant ng Rizal, Nueva Ecija.

Tinawag niyang bobo, tanga at salot ang isang baran­­gay treasurer dahil lamang sa maling spelling nito ng salitang “withdrawal”. Kasalukuyang dumaranas ng trauma ang ginang dahil sa ginawa ni Villanueva

Hinamon din daw ni Villanueva ng suntukan ang isa pang barangay treasurer dahil sa maling monthly financial report.

Ayon sa mga nagrereklamong lumapit sa BITAG, gawain­ daw ni Villanueva na mamahiya, manlait at manduro ng barangay treasurers sa Rizal, Nueva Ecija.

Kapag naman daw naipaabot ang kanilang reklamo sa mga barangay captain, natatakot daw ang mga ito na baka i-hold ang kanilang mga budget.

Nakarating na rin daw ang ugaling ito kay Mayor Katrina Andres, subalit inabisuhan lamang ang mga nag­rereklamo na gumawa ng letter of complaint.

Noong Lunes, nangako sa BITAG si Mayor Andres na ipakakausap at sasagutin umano ng kanyang municipal accountant ang mga akusasyon.

Subalit noong Martes, sa oras ng Pambansang Sum­­bungan, makailang beses naming tinawagan si Villa­nueva. Binali niya ang pinangako at ipinahiya ang kanyang mayor.

Mga tao mo lang pala sa ibaba ang kaya mo, Hilbert Villanueva. Wala kang karapatang manatili sa posisyon dahil abusado ka sa kapangyarihan.

Iniakyat namin sa Civil Service Commission (CSC) ang pagmamalabis ng kolokoy na si Villanueva. Maliwanag daw sa Code of Conduct, kapag ika’y isang emple­yado ng gobyerno, dapat may pamantayan sa pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa tao.

Bawal ang mambastos, manakot, mang-abuso, magyabang at kahit magmura pa. Kailangang may kahusayan at paggalang ang pakikitungo at pagseserbisyo.

Hinikayat ni Atty. Ariel Ronquillo, Assistnt Commissioner ng CSC na magsampa ng pormal na reklamo ang mga inabusong barangay treasurers ng Rizal, Nueva Ecija.

Pasok sa misconduct at oppression ang pamamahiya’t pang-aalipusta ni Villanueva. Dismissal from service ang parusa kapag napatunayan ang kanyang pagkakasala.

Sa iba pang naging biktima ng pamamahiya ni Villanueva, makipag-ugnayan kayo sa BITAG. Nakaalalay ang aming grupo na magsampa ng reklamo sa CSC.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with