^

PSN Opinyon

Pamamasok sa Julian Felipe: China multahan ng P3.3-B

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG isda ay nahuhuli sa bunganga, sawikain sa Tagalog­. At huli sa salita ang China embassy sa usapin ng pamamasok ng 220 Chinese fisheries militia sa Julian Felipe (Whitsun) Reef. Ang bahura ay 175 milya mula Palawan. Nasa loob ‘yon ng 200-milyang exclusive economic zone ng Pilipinas. Mahigit 650 milya naman mula sa EEZ ng China, kaya bawal sila roon. Ang isda, bahura at minerals sa EEZ ay esklusibong pag-aari ng bansa sa ilalim ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Batay sa UNCLOS nagpasa ang Pilipinas ng Fisheries Code (R.A. 8550) nu’ng 1998. Binabawal sa Section 87 ang pangingisda ng dayuhan sa karagatan ng Pilipinas. Ang akto ng pagpasok ng dayuhang barkong pangisda ay tinuturing nang poaching o pagnanakaw ng yamang dagat.

Hindi sapat na palayasin ang 220 trawlers ng China fisheries militia. Dapat dakipin sila at multahan bawat isa sa ilalim ng Fisheries Code: $100,000 bilang parusa at $200,000 administratibo o gastos sa pagdakip. Kabu­uang $66 milyon o P3.3 bilyon para sa 220 trawlers.

Kulong na anim na buwan ang batas sa tatlong pinaka-mataas na opisyal kada trawler. Kumpiskado ang barko, kagamitan at huling isda. Bukod pang multa ang halaga ng huli, at kung may dinamita, lason, pamparalisa, pa­ngur­yente, o fine mesh net sa trawler.

Ang isang industrial trawler ng China ay kayang humakot ng 12 tonelada ng isda kada araw, anila. Kaya maka­kanakaw ang 220 trawlers sa Julian Felipe ng 2,640 tone­lada o 2,640,000 kilo. Sa tig-isang kilong ulam, pagkain na ‘yon ng 2.64 milyong pamilya kada araw. At ilang buwan na sa bahura ang mga magnanakaw?

Ang halaga ng huli sa South China Sea ay $1,534 kada tonelada nu’ng 2018, anang Southeast Asia Fisheries­ Development Center. Kaya humakot ang 220 trawlers ng $4,049,760, o P202,488,000 halaga ng isda.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga­, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with