_ngayon
^

Pasko ng Pagkabuhay

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2021 - 12:00am

Malaki ang dapat nating ipapasalamat sa Panginoon ngayong Pasko ng Pagkabuhay at tayo ay narito pa sa mundong ito at buhay pa. Napakahalagang blessing na iyon ng Panginoon sa atin sa gitna ng pandemyang hatid ng COVID-19.

Kahit patuloy na tumataas ang COVID-19 cases hindi lamang dito sa ating bansa ngunit maging sa ibang bansa, patuloy din tayong magpasalamat sa Diyos kahit na tayo ay humaharap sa pinakamahirap na pagsubok sa ating buhay.

Buong mundo ang humaharap sa kapwa economic at health crisis na maraming industriya ang lugmok, Ngunit patuloy pa rin tayong nabubuhay at nagpapasalamat sa Maykapal.

Naroong dumarami ang namamatay na maging sa Bergamo, Italy tuwing tumutunog ang kampana ng sim­bahan nila ang sinasambit ay pangalan ng mga namamatay sa kanilang bayan.

Sana tama na muna ang tinatawag na “political bickering­’’ at awayan sa pulitika at maging anumang hindi pagka­unawaan natin sa ating kapwa tao at iaalay natin ang ating panahon na sabay tayong lahat na magdasal na nawa’y maawa sa atin ang Panginoon at maibsan na ang ating pag­hihirap.

Siguro tama na muna ang pag-aasta natin na tayo at tama at ang iba ay mali, Maging magpakumbaba naman tayo at we humble ourselves to the Lord, as a people, as his people.

At sa araw na ito na ginugunita natin ang Pasko ng Muling Pagkabuhay sana ay hindi tayo mawalan ng pag-asa na mahal tayong lahat ng Panginoon maging sino man tayo o anong nationality natin.

Happy Easter sa lahat!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with