^

PSN Opinyon

Taiwan babawiin ng China

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DATING probinsya ng Peoples Republic of China ang Taiwan. Pero nang magtagumpay ang Communist rebellion sa China noong 1949 sa pangunguna ni Mao Tze Tung, kinubkob naman ng Partidong Kuomintang sa pa­mu­muno ni Chang Kai Shek ang Taiwan at inihiwalay ito bilang indipindiyenteng territory mula sa Mainland China.

Mahigit pitong dekada na ang lumipas mula noon at nanatiling malaya ang Taiwan na ngayo’y kabilang sa mga bansang napakabilis ang pag-unlad ng economy. Patunay lang na nadaig nito ang China sa progreso bilang isang bansang hindi nakakapit sa komunismo kund kapitalismo. At ngayon ngang napakaunlad na ng economy nito, gusto na itong bawiin tulad ng nangyaring pagbawi nito sa Hong­kong na mabilis umasenso sa kamay ng Britanya.

Ngayon, nakikita natin ang pagpapalakas ng China sa ginagawang pagsakop nito sa bahagi ng karagatan sa South China Sea na may pag-aangkin din ang ibang bansa­ sa Asia kabilang ang Pilipinas. Posible pala na ito’y isang paghahanda ng China para salakayin at bawiin ang Taiwan na dati nitong lalawigan.

Ayon sa analysis ng isang mataas na opisyal ng Ame­rica sa Asia-Pacific, Philip Davidson, maaaring mangyari ito sa susunod na anim na taon. Kunsabagay, mula pa noong una ay may banta na sa Taiwan na bawiin ito ng China. Kung ang mga teritoryo ng ibang bansa ay kaya nilang pakialaman, Taiwan pa kaya na dating sa kanila?

Sa ilalim ng komunistang rehimen, umasensyo ang China bilang military power ngunit hindi sa ekonomiya. Kailangan pang sirain nito ang prinsipyo laban sa kapita­lismo kaya binuksan ang bansa sa dayuhang pamumuhunan kaya masasabing fast growing economy ito. Natanto nito na para manatiling malakas ang militar nito, kailangan ding malakas ang ekonomiya.

Tuso talaga!

vuukle comment

COMMUNIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with