^

PSN Opinyon

Lady Solon sa House naunang magpabakuna

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tila napahiya si House Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa ng isang Lady Solon na nagpaunang magpabakuna ng Sinovac. Kasi, naunang tiniyak ni Velasco na huling magpapaturok ang mga kongresista at uunahin ang mga dapat mauna.

Sa pag-roll out ng vaccination drive laban sa COVID, may itinakdang order of priority kung sino ang uunahin. Inuna ng pamahalaan ang mga most vulnerable sectors at iyan ay ang mga medical frontliners gayundin ang mga seniors.

Bagama’t may mga natatakot magpabakuna sa ating mga kababayan, mayroon din namang tila ginagamit ang kapangyarihan para mauna. Tunay na sa panahon ng krisis­ lumilitaw ang tunay na karakter ng isang tao.

Sa ngayon Sinovac pa lang mula sa China ang duma­ting. Nag-aagawan kasi ang iba’t ibang bansa at nangu­lelat tayo.

Balita ko, si Congresswoman Helen Tan ay nauna nang nagpabakuna kaya tumanggap ng sandamukal na pagbatikos. Siya ang pinakaunang mambabatas sa Kamara de Representante na nagpaturok ng anti-COVID-19 vac­cine. Aniya, kasama naman siya bilang miyembro ng im­mediate famlly ng kanyang anak na doctor na nagtatra­baho sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Doktora rin si Madam Helen Tan, pero hindi siya medical frontline worker.

Kahit kabilang siya sa immediate family ng kanyang anak na taga-VMMC, out of delicadeza ay hindi na lang sana niya tinanggap ang alok na mabakunahan siya. Madali namang sabihin na hihintayin na lang niya ang bakuna na para sa alokasyon ng mga miyembro ng Kamara de Representante, pero tila nagmamadali ‘ata si Madam na maturukan.

Katuwiran pa niya, kung siya raw ay pa-VIP, sana ay hinintay na lang nya ang parating pang ibang bakuna na mas popular sa masa, ang ibig sabihin nya ay Astra Zeneca vaccine. Pambihira ka naman, nabigyan na nga ng libreng bakuna, pahapyaw mo pang binanatan ang Coronavac?

Para na ring sinabi na pinagtiyagaan lang niya ang I tinurok sa kanyang Sinovac. Ipinaalam kaya ni Lady Cong kay Speaker na mauuna na siyang magpabakuna? Sa tingin ko, hindi good taste ang ginawa niya.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with