^

2 POGO cops, ‘missing in action!’

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

Dalawang pulis-Maynila, na iniimbestigahan sa kasong panghoholdap ng milyones na pampasuweldo sa mga empleyado ng POGO, ang hindi na nagrereport sa kanilang trabaho. Sinabi ni Manila Police District director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na kasalukuyang kumakalap sila ng ebidensiya laban sa dalawang pulis, na kapwa may ranggong corporal at naka-assign sa Station 11 ng MPD sa Binondo.

Nawala na parang bula sina Cpl. Alan Hilario at Pat. Real Tesoro matapos sapilitang makidnap ng mga nakamaskarang kalalakihan sa Binondo at Sta. Mesa kamakailan. Ayon kay Francisco tuloy pa ang kanilang imbestigasyon para matukoy ang mga suspects sa kaso nina Hilario at Tesoro. Binigyan na ni Francisco ng return to work order ang dalawang pulis at kapag inisnab nila    ito ay ideklara silang absent without leave (AWOL).

Kapag ilang araw na hindi pa din sila sumipot bilang foot patroller ng MPD Station 11, pipigilan ang kanilang suweldo at tatanggalin na sila sa roster ng MPD personnel. At isasalang na sila sa administrative proceedings hanggang na ma-dismiss na sa serbisyo. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Tapos na ang maliligayang araw nitong dalawang pulis, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sinabi ni Francisco na umabot sa walong pulis ang iniimbestigahan na sangkot sa P40 milyon at P8 milyon na holdapan sa POGO sa Pasay City. May mga hawak ng CCTV footages ang MPD na gumigiya sa kanilang imbestigador para matukoy ang mga pulis, na kung tumira ay naka-uniporme pa. Nakasuot ng facemask at tinakpan ang mga namecloth nila subalit may paraan si Francisco para makilala sila.

Ang magandang balita ay apat sa mga pulis ang lumutang kay Francisco at nagbigay ng sworn statements kung anu-ano ang partisipasyon nila sa holdapan at maging ang naparte nila. Iginiit ni MPD director na walang whitewash sa ginagawa n’yang imbestigasyon sa mga POGO cops at tatamaan ang dapat tamaan para isulong ang internal cleansing na programa ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas.

May binabanggit ang apat na pulis na ibang pangalan sa raket nila subalit minabuti ni Francisco na ‘wag munang pangalanan sila, kasama na ang dalawang missing na POGO cops, habang hindi pa sila nakasuhan sa korte. DIpugaaaaa!

Sa mga tiwaling pulis ng MPD, magbago na kayo dahil t’yak ipaPACO kayo ni Francisco. Dipugaaaaa! Abangan!

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with